maybe life has certainties and the only thing I need to is to accept

Love & Relationships

Problem/Goal: hello. can someone give me an advice or even a word, huwag naman harsh or what huhu, I just want to release this feeling

Context: So me F(21) and have a bf(22), so this is my story. basically 1yr and 6mos na kami and eto ako nagmukmok kakaisip at kaka iyak for future purposes haha, hay. paano kasi si bf is may plan to serve their ministry, anak kasi siya ng pastor and halos lahat sila pumasok na into serving ministry, incoming 4th yr college na rin kami.

and after we graduate naka plano na talagang pumasok siya sa ministry nila to serve, 4yr course rin dun sa kanila sa church na meron sila, hindi ko na maintindihan ang mga natakbo sa isip ko pero as per my part siyempre masakit kasi once na pumasok siya doon bawal na may girlfriend and even after he finished that ministry course and grumaduate man siya dun ang pwede niya lang makasama sa buhay niya is ung kapareho niya na nag aral rin sa bible school :((

which is salungat sa mga bagay na gusto kong gawin. katulad niya I have a lot of dreams rin na para sa akin and to my parents, I want to travel rin. ganun. alam ko naman na plano niya na yung ganun bago pa ako dumating sa buhay niya pero ang sakit lang isipin na pagkatapos namin dito at ggraduate na kami, ay iiwan at maghihiwalay na kami.

minsan napapaisip ako kung anong gagawin ko kasi siyempre may part na mahal ko siya pero kasi hindi ko naman mapipilit ang mga bagay na pwede sa amin. sabi pa nung ibang hintayin ko raw siya pero paano ako within that 4yrs kung sa kanila bawal may ka relationship na hindi katulad nila. andaming pwedeng mangyari sa 4yrs na yun, and my bf also suggested na pwede naman raw maging friends kami hahaha shet hindi ko kaya yun tsaka hindi ako nakikipag kaibigan sa minahal ko. so ayun, i need an advice if I should continue this relationship kasi hindi ko pa naman siya malet go dahil mahal ko eh at baka may iba pang mangyari or plan, or hihintayin ko ung araw na papasok na siya dun at iiwan niya na ako at maghihiwalay kami which is mas masakit kasi mas matagal ko siyang makakasama pa. sabi pa nung ibang friends ko pahihirapan lang daw namin ang isa’t isa. wala eh masakit, nakikita kita ko rin na ready na siya for that and ako ready na sana ako with the future with him pero hindi pala ako kasama sa kanya :((

hayyyy, what a life. do someone have an experience like this or may mga bagay na ba kayong binitawan kahit masakit sa inyo. plss no hateee pooo :>>

Posted Jun 17, 2026, 1:05 PM UTC

27
Loading comments…