[M, 25] Mantsa
Anlayo na pala..
Grade 2 palang ako non
Isang batang mas mahilig tumango kesa sumagot. Ganon ako ilarawan ng mga tao sa paligid, hanggang sa isang araw ay mayroong pumunta sa bahay ni lola habang ako ay nag aaral mag isa.
"Hijo, pinag uusapan ka ng mga kapitbahay natin, magsakristan ka, ipapasama kita ahh? Bagay ka don"
Wala akong alam sa kung saan ako iniimbitahan pero nung nakita kong masaya ang lola ko ay pumayag ako at walang alinlangan na sumama.
Doon nagsimulang hubugin at maging mabuting ehemplo sa iba
Bawal to..
Wag mo silang gagayahin..
Behave ka dapat..
Sakristan ka pa naman..
Banal ka dapat..
Role model ka dapat, ayon ang madalas na turo sa amin.
"Alam kong matutuwa sila mama(lola) at mommy pag behave ako dito" mga salitang tinatak ko sa isipan.
Eskwelahan at simbahan lang, Habang naglalaro sila sa labas, ako'y nakakulong sa sarili kong mundo
Maraming puri at paghanga ang nakuha..
Pero habang pagtanda ang hirap din pala...
Hindi ko pala kayang mamuhay ng malaya tulad nila. Kailangang sumunod sa utos ng nakakatanda sa labas man o sa loob ng simbahan. Ganto pala, pero hindi ako makawala.
Naging student leader ako hindi dahil magaling kundi dahil napaka behave at banal daw na bata, walang kaaway, walang kinaiinggitan kaya hinahangaan.
Isang biro lang to
Pero 70% ng boto ang nakuha ko, at hindi ko na alam. Ang taas na pala ng expectations sakin.
Isang araw....
"Ang hinhin niya no?"
"Bakla siguro yan..."
"Masama yang ganyan ayy"
"Nakakahiya kang bata ka, pinag uusapan ka ng mga kapitbahay"
Biglang nag iba ang ihip ng hangin, ang dating papuri ay napalitan ng paninira na naging dahilan upang lumayo ang loob ko sa aking mga magulang.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo"
Dose años palang ako non, ni hindi ko naisip magkagusto sa kahit sino. Ang gusto ko lamang ay maging proud ang magulang ko
Pero sa isang iglap nasira na lahat.
Isasara ko na lahat ng pinto sa sarili ko
Mag focus nalang kay Lord at sa studies
Mas mabuting magtago at manahimik nalang, mas ligtas at mas payapa iyon. Sakristan ka pa naman dapat ipakita mong naglilingkod ka sa simbahan. Dapat banal ka.
Mga bagay na nagpapasaya sakin noon, sinasakal na ako ngayon.
Hanggang sa isang araw, may isang kaklaseng sumira ng mga barriers ko. Ilabas mo yang bagahe mo.
Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko malaya ako.
Oo tago pero masaya kami pareho.
Hanggang sa.....
"Mali to, pareho tayong lalake. tigil na tayo please. Magkaibigan lang tayo dapat hindi tayo ganto"
Mga salitang binigkas habang umiiyak na nakayakap sakin yung taong nagbigay ng saya sakin.
"Huh, anong sinasabi mo?"
Gulat at pagkalito, iyon ang naramdaman ko. Sagot na mas nagpalala ng sitwasyon naming dalawa. Hindi ko namalayan mahal na pala namin ang isa't isa.
Sobrang sakit, ganon pala magmahal. Hindi lang taong minahal yung nawala sakin, pati yung best friend at comfort person ko nawala. Hindi ko na kinaya yung sakit lalot araw-araw namin nakikita yung isa't isa.
"Siguro, mas mabuting magpari nalang ako para matapos na to."
Pinili kong lumayo para sa katahimikan naming dalawa, hindi ko na kinakaya yung epekto sa amin dalawa. Sa paniniwalang mali ang ginawa naming dalawa.
"Arc, paalam na. Di ko na kinakaya yung sakit na makitang iniiwasan natin yung isa't isa. Alam kong sisirain ko yung promise natin sa isa't isa pero I am doing this for the better."
Mga salitang binigkas ko sa kanya nung kami nalang naiwan sa silid aralan.
Heto na naman ako, mas piniling magpakabanal at umiwas sa kasalanan. Pero sa pagstay at pag aaral ko sa seminaryo tungkol sa turo ng simbahan mas naintindihan ko ang tanong na
"Bakit kinamumuhian ko yung parte ng pagkatao ko na hindi ko naman piniling maramdaman?"
"Hindi kasalanan ang pagiging bading o pagkakagusto sa kapwa lalake"
Masyado tayong sinabihang kasalanan ang pagkakagusto sa kapwa lalake samantalang sa listahan ng turo ng simbahan hindi naman yon mahahanap. Ang kasalanan lang ay ang pakikipag talik sa kapwa lalake dahil ang purpose ng pakikipag talik ay for creation at hindi para sa sarap.
Oo mahirap siyang iwasan pero iyon ang goal kung gustong maging banal. At meron tayong kalayaan kung susundin o hindi. at dagdag pa rito ay hindi tayo perpekto.
Tao lang tayo, hindi tayo perpekto. May mantsa sa labas, may mantsa loob. Pati na ang ating pagkalalake o pagka babae ay hindi palaging perpekto. And those imperfections are what makes us human.
“Akala ko noon, yung pagiging iba ay isang mantsa.
Pero bahagi lang pala talaga ito ng pagiging tao ko.”
Oo, hindi lahat ng tao ay may mantsa pagdating sa kasarian, pero bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang pagkukulang. Iba-iba ang mga mantsa natin minsan nasa ugali, sa pag-iisip, sa pisikal na anyo, o sa espiritwal na aspeto. Pero ang pinaka-importante ay kung paano tayo patuloy na nagiging mabuting tao kahit pa hindi tayo perpekto."
“Yung inakala kong mantsa sa pagkatao ko,
iyon pala ang paalala na tao rin ako
may takot, may pagkukulang, pero may kakayahang magmahal at maging mabuti
At sa kabila ng lahat
Mahal pa rin ako ng Diyos.”
Posted Jun 17, 2026, 1:16 PM UTC