MCA I ghosted my husband 10yrs together.
I am the asshole, yes. I (f30) literally ghosted my husband. No, we don't have kids.
I was on my early 20s nung naging kami and may 8 yrs gap kami. I was naive and learning. Nagsama kami nung pandemic nasa 23 na ako nun.
Nag settle ako sa kanya kasi mabait siya, sobra. Sabi ko, baka hindi na ako makakita ng masyadong mabuting tao. Ok na to. I loved him and we both have the same hobby which is gaming. We're happy, syempre wala pang kids kaya prio pa isa't-isa.
Habang tumatagal, may mga gusto akong "maliit na bagay" na hindi niya nabibigay. Kagaya nung love language ko is physical touch. Masyado akong mayakap. Gusto ko rin na niyayakap ako. Ang babaw, di ba?
Well, para sakin hindi mababaw yun. Ano manlang yung magkusang yumakap diba? Umabot na sa point na iniiyakan ko na yung paghingi ng akap kasi di siya nagkukusa. Kesyo, di daw kasi sya ganun. Quality time kasi love language niya.
Aakap naman kapag nag beg ako. Sabi ko kasama sa pagsasama ang compromise. Hanggang sa over the years nasanay nalang ako and nagsawa manghingi ng akap.
Pati yung kapag.may misunderstanding kami tapos iiyak ako kahit sino may kasalanan, walang hug sa dulo. Wala. We just talk.
We are so good in communication. Pero parang masyado kaming formal, yun ang nafeel ko to the point na di na kami nag-aaway kasi nareresolve naman agad sa pag-uusap.
Ok naman kami eh. Kaso over the years feeling ko di ko mapakita true self ko kasi mas matured siya sakin parang nasa nonchalant side na siya. Ganun. Matumal rin sex life mga once a week.
Eh physical touch na gusto ko. Kahit nga yakap nalang. Hays.
All these years, feeling ko namanipulate niya ako na gaslight ako na lagi akong may kasalanan. Feeling ko nawalan ako ng boses kaya lagi kaming di nag-aaway kasi oo lang ako ng oo.
Tarantado kasi ako noon kaya nung nagsama kami nagbago ako. Naging mas mabait ako kasi nahhiya ako sa kanya kasi mabait siya.
Hindi pala sapat yung mabait lang. Wala eh. Kaya I ghosted him and left him a letter sa notebook. Dun ko sinabi lahat kasi ayoko na humarap. For sure, ako nanaman mali. Wala nanaman akong boses.
This isn't I wanna be loved for the rest of my life.
I hope he finds someone na mamahalin siya sa kung anong kaya niyang ibigay. I hope he would have a good and happy life kahit hindi na ako ang makakasama niya sa pagtanda.
Posted Jun 17, 2026, 1:18 PM UTC