Need advice for picking which job is better
Problem/Goal: Need your advice kung alin sa mga job offers na natanggap ko ang mas magandang piliin.
Context: Tumigil ako sa pagwo-work for almost a year para makapag-focus sa studies ko. Pero dahil medyo mahirap ang buhay ngayon, nag-decide akong maghanap ulit ng work.
Ang problem ko ngayon, nag-apply ako sa tatlong magkaibang companies na may iba't ibang job descriptions. Since magkakaiba naman yung interview dates nila, pinuntahan ko lahat. Unexpectedly, natanggap ako sa lahat at iba-iba rin yung offers nila.
To clarify kung bakit ang dami kong inapplyan, akala ko kasi magiging issue yung one-year gap ko sa employment. Yung first company na inapplyan ko, medyo na-grill talaga ako sa interview tungkol sa dahilan kung bakit ako tumigil magtrabaho. Dahil doon, inisip ko na baka red flag siya sa employers kaya nag-apply pa ako sa ibang companies as backup.
Company 1: E-commerce Staff
Salary: ₱18,500/month
Pros:One ride away from my house, Fixed/basic salary
Cons:No night differential, Government-mandated benefits lang, Shifting schedule, Wala akong experience related sa e-commerce
Company 2: Sales Associate
Salary: ₱700/day + commission
Pros:Halos lahat ng previous work experience ko is sales,
7 hours shift lang, Free products kapag na-hit yung quota, Weekly ang salary
Cons: Startup company, Shifting schedule, Two rides away from home,
Company 3: Customer Service Representative (Non-BPO)
Salary: ₱20,000 package
Pros: 2 days off per week, Local account, May friend akong nagwo-work doon
Cons: Medyo malayo sa bahay (around 1 hour commute), 9 hours working schedule, Konti lang knowledge ko about the role
Please help your girl out kung alin sa tingin niyo ang best option bago ako pumirma ng contract. As someone na galing sa one-year career break, gusto ko sana yung magiging practical decision in the long run and hindi lang dahil sa salary. Any advice would be highly appreciated. ❤️🙏🏻
Posted Jun 18, 2026, 2:05 PM UTC