Adult Bullying: Normal na ba ang power tripping sa mga elementary school teachers?

Toxic

​Gusto ko lang mag-post para magbigay ng awareness tungkol sa isang issue na parang bihira napag-uusapan: yung bullying at power tripping mismo sa pagitan ng mga teachers.

​

May teacher na lantaran kung mag-power trip sa kapwa niya mga guro. Tipong kaya niyang mag-eskandalo, mamanmanan, at harap-harapan na sermonan o ipahiya yung ibang staff sa harap mismo ng faculty. Sobrang unprofessional at nakakababa ng morale.

​

​Usap-usapan na siya ngayon ng buong school dahil sa ugali niya, kaso parang walang makakibo nang direkta. Takot kasi ang karamihan na baka lalong pag-initan o gantihan sila sa workload at evaluation kapag may nagsumbong.

​

​Nakakalungkot lang isipin na ang mga guro pa naman ang nangunguna sa pagtuturo laban sa bullying sa mga estudyante, pero sa hanay pala nila mismo, may mga ganitong "adult bullies."

​

​Para sa mga nasa academe rin o nakaranas ng ganito, normal ba talaga ang ganitong kultura? At paano ba kadalasang narereport ang mga ganitong power tripper nang hindi madadamay o mapag-iinitan yung mga biktima?

​

​

Posted Jun 22, 2026, 6:04 PM UTC

20

Comments aren't archived yet

Comments for this period haven't been loaded into the archive yet.