Bakit ganon yung City Engineer?
Nabayaran ba? Nagreklamo na kami sa brgy dahil nga sa construction sa tabi namin, may nasira na sila sa property namin pero ayaw nila panagutan kasi raw hindi sila yung nakasira (yung mga dating trabahador daw). So ayun dinaan na namin sa brgy, sabi nila nireklamo na rin daw nila ito sa city engineer kasi meron pa isang problema bukod sa problema na binibigay saamin.. sa drainage ata sa kabilang side basta nagtutubig ata. Hindi raw pinapansin ng city engineer yung brgy namin, hindi raw pumupunta. Ano pa kaya magandang gawin dito :/ senior na parents ko and stress lang talaga dala ng construction na katabi namin. Nagwoworry pa kami sa safety namin kasi in the past few days ang lakas na nung mga debris na nahuhulog sa bubong namin huhu.
Posted Jun 23, 2026, 10:11 AM UTC