minasama ko ba o sensitive lang talaga ako?

Relationship

Hello, pa rant lang and mejo sad na to the point na walang tigil tong pagtulo ng luha ko.

Lagi ko nalang napapansin sa boyfriend ko (live in partner) inoopen up niya sakin na maging physically active ako or mag lakad lakad naman daw ako.

For context po, we’re both working and ako wfh and si partner naman ay hybrid setup (2days wfh 3days rto)

Since live in nga kami, mas ako nag aasikaso dito sa bahay. Nagmementain ng bahay, luto hugas plato. Meron pa kaming 1cat at 1dog inaasikaso ko din. I do all of those house chores while working.
Bale yung si partner uuwi nalang may ulam na tas ako pa mag huhugas niyan kahit working ako.
Don’t get me wrong I like doing these things naman.

Pero mejo nasasaktan lang ako sa mga sinasabi niya minsan kahit alam ko namang out of concern lang.
Everytime kakain kami dun niya inoopen up yung pag eenroll sa gym, or in a random days lalo na pag nakikita niya na nakasando lang ako or nalalakihan siya sa braso ko magsasabi siya ng kung ano anong related na physical activity.

Another context, dati kasi Im fit like nasa 50kilos lang ako then nung nagkawork na naging 65-70kilos na + pcos. Hindi naman super taba pero malaman na at malayo na sa dati.

So kanina nga lang di ko na napigilan. May maliit kaming discussion. Tas after nun bigla niya inopen up na gumawa daw ako ng routine ko gumising daw ako sa umaga para mag lakad lakad bago mag trabaho. Tas sinabihan pako na mag enroll sa pilates.

I mean gets ko naman point niya, pero para kasing minsan hindi na siya advise it’s feels like an attack.
In my pov, hindi niya ba nakikita na hindi ko na masingit yung mga ganung bagay kasi bukod sa nagtatarabaho din ako I am trying to maintain this house. Hindi rin biro mag linis, magiisip ng lulutuin, magpakain ng alaga dakot ng mga tae nila, mag hugas ng plato.
And I am ALWAYS trying to be healthy naman. I do fasting, eat clean.

Masama lang loob ko kasi kakaganyan niya na iinsecure nako sa sarili ko, gusto ko nalang palagi mag tshirt ng malaki para lang di niya mapansin yung braso ko at baka mabanggit ulit o mapoint out na ang taba ko.

Paminsan minsan naman nakakapag walking kami hindi nga lang consistent.

Ewan ko ba naghalo halo na emosyon ko ngayon, naiiyak ako kasi if natatabaan siya sakin tingin niya ba di ako napapangitan sa sarili ko? Nakaka stress din na laging nasa bahay walang mapuntahan madalas work at house chores lang talaga.

Buti pa siya kasi may rto siya nakakapag socialize siya kahit papano.

Hanggang ngayon natulo padin luha ko. Idk what to do.

Yun lamang. Salamat. Sana wag na kayo mag comment ng harsh words. Gusto ko lang ilabas to.

Posted Jun 23, 2026, 2:25 PM UTC

29
Loading comments…