Ako Lang Ba? Na Hindi Lahat Ng Pinoy Deserve Ng Work Dito Sa UAE
Sa araw araw naming pag go-grocery, sa Philippine Supermarket, Westzone, New W Mart, etc. Halos lahat ng mga Pinay na cashier, ampapangit ng ugali, ang susungit, ni hindi man lang marunong mag smile. Partida nasa "Customer Service" section pa kayo nyan ah.
Alam ko, sa dinami daming kabayan na nakausap ko, oo hindi kayo sinasahoran ng maayos, overwork, may mga problema kayo sa pinas, etc. Pero bakit kami ba? Wala? tayong lahat may problema at pagsubok na pinagdadaanan may it be sa employer, work, or family at home.
Pero sana naman ayosin nyo yang trabaho nyo! Kung di pala kayo masaya jan edi mag resign kayo?! Oh ngayon di kayo makapag resign dahil marami kayong bills? EDI AYOSIN NYO TRABAHO NYO! Pag walang work nagmamaka-awa na e refer pero once may work na di aayosin?
Posted Jun 25, 2026, 6:42 AM UTC