dapat ba akong umasa, may pang hakawan o hanggang kaibigan na lang talaga?
What if may naka-talking stage kang lalaki before, tapos biglang natigil kayo—whether ni-reject mo siya o nagkaroon lang ng dahilan para hindi magtuloy.
Then after some time, bigla kayong nag-usap ulit. Tapos tinanong ka niya kung may kahihinatnan pa ba ulit yung pag-uusap niyo o friends lang talaga. Ang sagot mo naman is, "Friends muna for now kasi hindi pa ako sure sa future."
Ganito kasi yung situation ko. Nag-usap kami ulit ng dati kong naka-talking stage. Tinanong ko siya kung ano ba talaga yung context ng pag-uusap namin ngayon—friends ba kami o may possibility na katulad ng dati.
Hindi siya nakasagot agad. Sabi niya, to be honest, hindi rin daw niya alam. Kaya tinanong ko kung saan siya mas nagle-lean. Ang sagot niya, sa ngayon friends talaga kasi komportable naman daw siyang kausap ako, pero hindi pa rin daw niya alam kung ano mangyayari sa future.
Ang naging instinct ko tuloy, baka friends na lang talaga tingin niya sa akin. O baka bina-breadcrumbing lang ako—yung kinakausap ako ngayon dahil available ako, pero madaling i-let go kapag may ibang dumating o kapag nagbago isip niya.
Kung kayo mismo yung babae na nagsabi ng "friends muna for now, pero di ko pa alam sa future," ano talaga usually ang ibig sabihin nun? May dapat ba akong panghawakan sa possibility ng future, o mas okay na tanggapin na friendship lang talaga ang meron sa ngayon?
Tbh, part of me ay gusto ko pa rin siya just like before pero mas nagiging cautious lang ako ngayon, yung pag end ng talking stage namin before ay healthy naman
Posted Jun 25, 2026, 6:56 AM UTC