Miss na miss ko na yung kakampi ko

NO ADVICE WANTED

Matagal na wala si papa.

Dati noong buhay pa sya comfortable talaga ang buhay namin. Hindi sobrang yaman pero comfortable kasi di nagaalala sa araw araw. Pagkawala nya madami nagbago. Hindi kasi namanage ng tama ng mama ko yung perang naiwan sana ni papa na pang aral namin. Kaya kinailangan ko huminto at magtrabaho para mag give way sa mas bata ko na kapatid. Yung kapatid ko nakapag tapos,ako hindi.

Sa totoo lang naging masaya naman ako kahit maaga ako nagtrabaho kasi syempre may sarili ako pera at iba din feeling na kahit paano nakakabigay ako allowance ng kapatid ko non. Habang gumaganda trabaho ko nun nagiging comfortable ulit buhay namin. Noong pandemic ako lng ang may trabaho non pero kinaya madalas nga sobra sobra pa grocery namin non. Masaya ako nung mga panahon na yun kaya hindi na para bilangin pa.

Hanggang sa nagresign ako at sabay non nasunugan kami. As in lahat nawala at nadepressed ako nun. Nahirapan ako bumangon. Prang simula non parang hindi na rin ako nakabalik sa dating ako. Hindi ako nakabalik sa corporate. May trabaho akongayon pero part time lng at hirap pa rin makahmap ng stable.

Pero ang pinaka masakit hindi pala yung pagkawala ng pera. yung pakiramdam na habang bumaba ung kaya mo ibigay,bumaba rin yung tingin ng mga tao sayo. At mas lalo ko to nararamdaman sa kapatid ko.

Nong ako yung mas okay ang trabaho at ako yung mas nagbibigay ang saya ng lahat. Pero ngayong mas maganda na trabaho nya at ako naman yung nahihirapan, pakiramdam ko nagbago trato nya sakin.

Hindi na nya ako nirerespeto. Madalas minumura ako at inaambahan. Sinasabihan akong walang kwenta at walang silbi. Sobrang sakit lang maramdaman to sa mas bata sakin.

Pati sa bahay pakiramadam ko wala nakakakita ng effort ko. May trabaho pa rin naman ako kahit part time. Ako pa din naman sa utilities at grocery dna nga lang tulad ng dati. Pero parang ang nakikita na lng kung ano yung wala sakin ngayon. Siguro mas extra sakit lng at sensitive ko ngayon kasi birthday ko pa talaga ako nasabihan ng mga masasakit na salita.

Hindi lo naman hinihingi na icelebrate ako pero ang sakit pala na sa araw na gusto mo lng naman maramdaman na mahal ka at may halaga ang maririrnig mo pa mga salitang tumatanda ng wlang silbi at nararating.

Hindi naman ako nagbibilang. Siguro gusto ko lng maalaa nila namay panahon na ako rin naman sumalo at khit hindi na ako yung tulad ng dati, tao pa rin ako.

Wala akong masabihan kasi nangliliit ako at ayoko din sumama ang tingin sa kapatid ko.

haaaay sana kasama ko si papa. Sana andito pa sya.

Posted Jun 25, 2026, 7:04 AM UTC · locked

51
Loading comments…