Sinabihan akong "walang utang na loob" dahil ayaw ko pang papuntahin ang mga kamag-anak sa bahay namin ng partner ko

Ako (mid 20s) ay nakatira na ngayon sa sariling bahay namin ng partner ko, kaya pakiramdam ko normal lang na pareho kaming may karapatang magdesisyon kung sino ang papapasukin at kung kailan kami handang tumanggap ng bisita.

Sobrang busy rin ng schedule ko. Nagtatrabaho ako ng 12 hrs tuwing weekdays. Saturday and Sunday lang talaga ang natitira kong araw para magpahinga, mag-asikaso ng bahay, at magkaroon ng oras kasama ang partner ko.

Noong nakaraang araw, sinabi ng nanay ko na gusto niyang papuntahin ang ilan naming kamag-anak sa bahay namin ng partner ko. Sinabi ko nang maayos na hindi pa ako ready.

Ang pinakareason ko ay hindi pa ako confident ipakita ang bahay namin sa mga kamag-anak namin. Hindi pa ganoon kaayos ang house dahil wala pang 1 taon noong nagmove in kami. Alam kong baka maliit na bagay ito para sa iba, pero para sa akin ay personal iyon. Hindi ko rin sinabi na hindi sila pwedeng magvisit forever. Ang sinabi ko lang ay hindi pa ngayon dahil hindi pa ako handa.

Pero nagalit ang nanay ko sa sagot ko. Sinabihan niya akong walang utang na loob, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan dahil noong bata pa kami ay pansamantala kaming nakitira sa bahay ng isa naming kamag-anak. Tinawag niya rin akong selfish at sinabi pa na nanliliit daw ang tingin niya sa akin dahil ayaw kong papuntahin ang mga kamag-anak sa bahay namin.

Nalungkot ako dahil pakiramdam ko hindi naman tungkol sa pagmamalaki o pagmamaliit ng iba ang desisyon ko. Para sa akin, tungkol ito sa comfort level ko at sa karapatan naming mag-partner na magtakda ng boundaries sa sarili naming tahanan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong na natanggap namin noon, pero hindi ko rin naiisip na ibig sabihin noon ay wala na akong karapatang magsabi ng "hindi pa" pagdating sa sarili naming bahay.

Ngayon, iniisip ko kung selfish ba talaga yung ginawa ko o tama bang naging firm ako sa boundaries ko?

Posted Jun 25, 2026, 5:05 PM UTC

10
Loading comments…