OA lang ba ako na sinagot sagot ko yung pasahero sa jeep

🤔 OA na Thoughts

Sumakay ako sa jeep kahapon sa may tabi ng driver sa harapan. After ilang stops may ate na sumakay at tumabi sa akin. Katirikan ng araw so in-ON ko yung Jisulife ko na pink. I know may kaingayan yung fan na yon pero grabe sobrang init so dedma sa init and tamang tutok lang ako ng fan sa self ko.

Maya-maya sabi nung ate na katabi ko pakipatay daw ng fan ko. Nung una di ko pa naintindihan dahil sa ingay ka ng fan and ng jeep na rin and everything else. So napa, “ho?” ako after ko patayin yung fan ko para marinig ko sya. After non di na sya kumibo. So ako, unsure of what I heard, turned on my fan again. Tapos ayun nilakasan nya na boses niya sabi niya, “ingay ingay nyang electric fan mo. Patayin mo naman!” I was dumbfounded. Like, seryoso ka ba te? In this heat?? So ako kunwari walang narinig. Tapos inulit nya this time pasigaw na talaga. So na-badtrip na ko and sinagot siya, “ay ate ang init po sobra e.” Hindi na siya umimik after non. Kaso mga after ilang minuto sobrang aburido na talaga sya like ang likot nya sa upuan tapos puro sya “tsk” tapos ayun sinabihan niya na naman ako na patayin daw yung fan ko kasi sobrang ingay daw at nakakaabala ako ng ibang tao. Ako napikon na kasi hello? Sana nag taxi ka kung gusto mo pala ng katahimikan! So ayun yung sinabi ko sa kanya tapos sabi nya sakin napaka-walang konsiderasyon ko raw. Sabi ko “ako pa talaga? E ikaw ‘tong pinapapatay sakin electric fan habang ganito kainit?” Ang dami nya pa sinabi after non pero di na ko umimik tapos ayun bumaba na siya.

I felt bad kasi ang ingay naman talaga ng Jisulife na ‘to huhu and ang OA yata na sumagot sagot pa ko kesa patayin nalang at hindi ako nakaabala hays.

Posted Jun 27, 2026, 7:19 AM UTC

09
Loading comments…