Need advice po
Di ko alam pano ikwkwento ito. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon namin ng panganay ko. She's not an easy child to raise. Hindi ako nagrereklamo, pero dumadating kami sa point na sumosobra na sya at napapalo na (apparently the last option to discipline her) hiwalay kami mag asawa but not legal annulment/separation)
August 2025 (9yrs old sya nito, a month before turning 10) napalo ko sya gamit hanger kasi Sumobra na. For context naipon na ang galit ko dahil kahit ilang beses pag sabihan naglalagay parin ng mga bagay na pwedeng makasunog sa microwave,Nananakit ng kapatid nya (5yrs old that time, turning 6) at nagnanakaw sa online game na roblox(grow a garden) na may value ng peso in real life.
Yung palo ko sakanya naglatay. That was Monday. By friday hiniram ng aunt in law ko (tita ng ex husband ko) walang amor ay pinamedicolegal na nila ang bata at niraise sa dswd. Nabigyan ako subpoena nung araw na mismo ng hearing sa dswd. Nakapag explain naman ako ng maayos at naareglo naman ito. After 2weeks(1day before her 10th bday)ginusto ng bata na umuwi saakin kaya kahit durog na durog ako at d ako handa pa ulit sa pagkikita namin ay tinanggap ko ulit ang bata pauwi. Nairaos ko pa ang bday nya, at mga sumunod na tuition fees nila magkapatid despite sa hindi pagpapadala ng ama nya for 3mos( ganti nya sa akin kasi nalutas ang dswd )
Fast forward 2026, just last week napalo ko nanaman sya. Pero this time kamay nalang ang gamit at naglatay ulit ito. Dahil sa mga paulit ulit at sunod sunod na mga gawain na hindi maganda. (Pagnanakaw ng actual na pera, pag lagay ng basang damit sa aparador, hindi paghuhugas ng pinggan na ginamit, pagluto ng pagkain sa maduming kawali still iba pa.) In short sumabog nanaman ako.
Ilang araw ang lumipas akala ko ok na kami. Dahil kinausap ko pa sya at tinanong kung may galit ba sya saakin. At ano ba ang nangyayari sakanya bakit ganon nya ako tratuhin.
Binibigay ko ang lahat ng gusto nya, at binibili ang lahat ng pangangailangan. 2days after ko sya mapalo, nahulog sya sa 2 baitang ng hagdan. Nagsabi sya saakin at tinanong ko pa kung masakit parin ba at inobserbahan para madala agad sa ospital.
Kahapon lang byernes nagulat nalang ako, na wala daw ang anak ko sa school at hindi makita ng service. Tinext ko ang teacher hindi nagrereply at nabalitaan ko nalang na pumunta na pala sa pulis ang bata dahil sa paratang na ako daw ay nananakit ng walang dahilan at ako daw ay tinadyak tadyakan sya sa tagiliran kahit nakahiga na sya sa sakit ng palo. May nakalagay pa sa sinulat nyang Malaysia na pati ang kapatid nyang (6yrs old na ngayon) ay sinasaktan ko narin. Nakasaas din soon na ako ay nagdadala ng ibang lalaki sa bahay at nakikipagtalik sa same na kwarto nila habang nakadamit. Na lahat ay pawang walang katotohanan.
Ngayon, hindi parin ako nakakatanggap ng tawag o text o subpoena mula sa present o eskwelahan. Hindi ko alam paano dedepensahan ang sarili ko. At gusto na nila akong kasuhan.
Naaawa ako sa bunso kong anak (babae 6yrs old) kung ganito ang kahihinatnan nito. Dahil lang ayaw na ng ate nya saamin at masama na ang madisiplina sya.
Ano ba ang dapat kong gawin? Dahil wala akong alam sa nangyayari. At dko alam ang gagawin ko.
Posted Jun 27, 2026, 7:31 AM UTC