Kinuha ng tita ko yung titulo ng lupa na pinamana sa mama ko
Problem/Goal:
Context:
Pagkamatay ng mama ko, hiniram ni Tita 1 yung titulo ng lupa para sa pagbabayad ng amilyar. Nung hinahanap ko na kung nasan ang titulo, kinuha daw sya ni Tita 2.
-
I'm adopted pero may legal docs like birth certificate kung saan si mama (adoptive mother) yung nakapangalan don.
-
Nakapangalan pa yung Mother Title sa nanay ng mama ko.
-
May kasulatan na pinamana yung lupa sa Mama ko at kay Tito 1 (asawa ni Tita 1)
-
Hindi ko makuha yung Title kasama ng kasulatan kay Tita 2 dahil hindi kami okay.
-
May nagku-kwento sakin na ibang tao na gustong angkinin ni Tita 1 and 2 yung bahay at lupa.
-
Magkasama kami ng pamilya ni Tita 1 sa lupa na yon. May sarili silang bahay. Yung bahay naman namin ay si mama ang nagpatayo, at mas malaki yung porsyento ng nasasakupan ng bahay namin.
Gusto ko lang pong humingi ng advice kung pano ko makukuha yung title at kasulatan sa kanila nang hindi sila naaalarma kasi gusto ko sanang kumilos legally nang hindi nila nalalaman. I'm also looking for a lawyer na, gusto ko lang pong makuha agad yung title.
Thank you so much po!
Posted Jun 27, 2026, 7:35 AM UTC