Should I leave?
Grabe. Ang sakit. Sobrang sakit. 2yo PP.
Nagkabukol ang anak ko dahil sakin. Aksidente. Sobra kong sinisisi ung sarili ko. Ako ang may hawak. Pinacheckup agad. Sabi ng doctor, observe at mukang ok naman daw.
Pero grabe ung sisi sakin ng Daddy nya. Ang sasakit na mga salitang binitawan. Hindi ko naman ginusto ung nangyare. Ubos na ubos na ko. Maraming tao, sinisisi ako sa harap ng maraming tao.
Ung nurse, sinabi di ko sinasadya, gusto ko maiyak kasi ung ibang tao nga di ako sinisisi, tapos sya super sisi sakin. Kulang na lang magpauntog na lang din ako. Alam ko naman sa sarili ko na kasalanan ko. Alam ko naman. Pero grabe talaga paulit-ulit ung sisi. Ubos na ubos na ko.
Should I leave this marriage?
Posted Jun 27, 2026, 7:36 AM UTC
1319