CpE 3rd year

Hindi ko talaga maintindihan kung paano may mga taong sobrang kapal ng mukha na nagagawa pang ipagmalaki ang mga bagay na dapat ikahiya.

Sobrang nakakainis at nakakadiri isipin na parehas sila may kasalanan pero kung umasta kayo akala mo kayo pa ang nasa tama. Saan niyo kaya nakukuha yung kakapalan ng mukha para gawin lahat ng kagaguhan niyo nang walang hiya? Nagawa niyo pang mag-car fun. Wow, proud yarn?

Cheaters? O nakipaghiwalay lang para technically hindi masabing cheaters? Ano ’to, naka-reserve habang may jowa pa? Waiting area muna hanggang maging available?

Ikaw naman, Girl 2. May cheating issue ka na pala noon at pinatawad ka na, pero ginawa mo pa ulit? Hays. Totoo nga siguro yung sinasabi nila—once a cheater, always a cheater. Sayang yung second chance na binigay sa’yo kung ganito rin pala ang ending.

At ikaw naman, Girl 1. Ang funny lang alalahanin nung mga panahon na kunwari harmless lahat—yung tipong “hi friends” dito, “hi friends” doon, pati mga tropa mo damay pa para magmukhang normal at walang malisya. Pero ngayon? Mas malinaw na kung ano talaga yung nangyayari noon pa.

Natrauma raw dahil napagsabihan sa PM? Bakit parang kasalanan pa ng mga taong nag-call out sa inyo? Eh kung tutuusin, consequences lang naman ’yan ng sarili ninyong actions. Kung ayaw mapagsabihan, sana hindi gumawa ng ikakahiya.

Simula pa lang noong MMEC, totoo na pala lahat ng gut feeling ng ex mo. Lahat ng kutob niya tungkol sa inyong dalawa—tama siya from the start hanggang sa huli. Hindi siya praning. May dahilan pala talaga kung bakit uneasy siya pagka magkasama kayong dalawa.

Kung makadikit kayo sa isa’t isa, akala mo wala kayong mga karelasyon. Tapos kapag napapansin o napagsasabihan, ang sagot niyo lang, “Kaibigan ko lang ’yan.” Classic line. Kaibigan lang daw, pero kayo rin ang unang nagiging sandalan ng isa’t isa kapag may problema sa relasyon. Kapag hindi kasama ang jowa, sa isa’t isa tumatakbo. Ang weird lang. Bakit kailangan humanap ng comfort sa ibang tao habang committed ka sa partner mo?

Nakakadiri lang yung thought na habang may mga taong genuine na nagmamahal at nagtitiwala sa inyo, unti-unti niyo na palang niloloko sa likod nila. Tapos ngayon, parang wala lang. Parang achievement pa.

Kung tingin niyo panalo kayo dahil nakuha niyo gusto niyo, isip-isip din. Hindi flex ang pagiging manloloko. Hindi kinaka-proud ang pagiging dahilan ng trauma at pain ng ibang tao.

Karma has its own timing. Baka hindi ngayon, pero darating din ’yan.

Posted Jun 27, 2026, 10:13 AM UTC

00
Loading comments…