10 years na kaming magkakaibigan, pero bigla kaming na-exclude. Should we ask why or just move on?

Love & Relationships

Problem/Goal:
10 years na kaming magkakaibigan, pero bigla kaming na-exclude. Should we ask why or just move on?

Context:
We're a circle of 5 couples and friends na kami since 2015. Syempre, like any long-term friendship, nagkaroon na rin kami ng misunderstandings before, pero naayos naman lahat.
May isang couple sa group na kilala naming medyo nagkikimkim ng sama ng loob. Kapag may nagawang mali sa kanila, parang natatabunan na lahat ng mabubuting nagawa ng tao. Dahil alam namin yun, lagi namin silang kino-consider sa mga plans para iwas conflict. Kapag major decisions, botohan kami. Pero sa simpleng bagay, madalas hinahayaan na lang namin sila mag-decide kasi okay lang naman sa amin.
Last April, nagkaroon sila ng issue sa isa pang couple sa group. Civil naman sila kapag magkakasama kami, pero alam naming may unresolved tension pa rin.
Recently, birthday nung couple na yun. Ininvite nila kami around a month before, pero habang papalapit yung date, wala na silang follow-up. Then napadaan kami sa bahay nila and nakita namin na ongoing na yung celebration. Lahat ng nasa circle namin invited except kami... at yung couple na nakaalitan nila.
Honestly, hindi naman kami galit. Nalilito lang kami kasi as far as we know, wala naman kaming naging issue sa kanila.
If you were in our situation, would you ask them directly kung may problema ba, or just take it as a sign and move on?

Posted Jun 27, 2026, 10:20 AM UTC

99
Loading comments…