soya

BES Era Stuff

way back 2011, don kami sa apalit dumalo ng spbb. (pbk or pnk pa ata term non sa pagkakatanda ko) first time kong nakapunta don na may malay na ako kase yung first ko talaga ay mga 2-3 years old pa ako.

so ayun, nag ikot ikot ako. bumili ng kahit ano. tas unang napansin ko ay yung mga nagbebenta ng soya (soy milk). ang sarap non sobra lalo na pag malamig. ubos yung 200 ko don eh.

fast forward sa 2015, bumalik kami sa apalit at don nag spbb ulit. una ko talagang hinanap yung soya. kaso wala na. tinanong ko yung ditapak na dating nag bebenta, sagot nya "ipinagbawal na ni bro eli kase masama daw sa kalusugan"

tas sabi ko ay ganon ba, edi okay.

tas ngayon, naalala ko lang. sinearch ko sa chatgpt. abay healthy naman pala ang soya.

ibang klase talaga mang demonize yung matandang yun. pati msg na demonize din

Posted Jun 29, 2026, 11:27 PM UTC

3330
Loading comments…