First-time violation in Dasmariñas Village Makati. Was this handled correctly?
Naalala ko lang bigla itong experience namin sa Dasmariñas Village, Makati and gusto ko lang malaman kung normal ba talaga ito or if anyone else experienced the same thing.
A while back, nagpasama ako sa friend ko gamit yung motor niya para mag-asikaso ng weekly errands ko sa CSA, Makati. Mas mabilis kasi kaysa magdala ng kotse dahil sa EDSA traffic.
Pagpasok namin ng Dasma Village, kinuha ng guard yung driver's ID (standard procedure nila), tinanong kung saan pupunta, and they always remind us every time we enter the village to full stop at all intersections.
After how many hours natapos na yung errands namin sa CSA, palabas na kami. Paglabas ng CSA, may right turn na may STOP marking sa kalsada. Hindi kami nag-full stop. Umikot lang kami agad since literally wala talagang sasakyan, tao, o kahit anong traffic sa area. Nasa around 20–30 km/hr lang din ang takbo namin dahil maingat naman kaming magmaneho sa loob ng village.
Before anyone says it: yes, alam naming mali kami. Sinabihan kami sa entrance at hindi kami nag-full stop.
Pagdating namin sa exit, hinarang kami ng guard at sinabing may violation kami. Pinapunta kami sa clubhouse.
Pagdating doon, may lady guard na ang pangalan ay DA ("Day" ang pronunciation). Sinabi niya na ang penalty daw ay ₱1,000 for not making a full stop.
Nakiusap kami kung pwede warning na lang since first time namin magka-violation sa Dasma Village, inamin naman namin ang mali at nangakong hindi na mauulit. Pero sabi niya wala raw siyang magagawa.
Nakiusap din ako kung pwede yung ID ko na lang ang i-hold instead of my friend's, since ako naman talaga ang madalas may errands sa Dasma at siya pinakisuyuan ko lang maghatid. Hindi rin daw pwede dahil driver's ID lang daw ang pwede.
After several minutes of pakiusap, nagtanong nalang ako if pwedeng bawasan nalang yung fine, pumasok pa si DA sa office para "magpaalam," tapos paglabas niya sinabi niya na ₱500 na lang daw yung fine namin. So from the initial ₱1,000.00, doon lang siya naging ₱500 after namin makiusap. Sinubukan ko pang makiusap kung pwede ₱250 na lang, pero sabi niya hanggang ₱500 na lang daw talaga.
Since gusto na rin naming matapos, binayaran na lang namin yung ₱500. May official receipt naman silang ibinigay.
After that, sobrang ingat na namin. Every single intersection, full stop talaga kami.
Pagdating namin ulit sa exit, may mga 3–5 pang tao na galing din sa CSA na nahuli rin dahil hindi raw nag-full stop. Lahat sila, ₱500 agad ang charge right off the bat.
Doon kami medyo napaisip.
Ang gusto ko lang malaman:
- Normal ba talaga na first offense tapos multa agad? Wala bang warning muna?
- Tama lang ba na hindi pwedeng i-consider na visitor lang kami at first violation namin iyon?
- Normal ba na initially ₱1,000 ang sabihin, tapos magiging ₱500 after makiusap? May official schedule ba talaga ng fines?
- Tama lang ba na hindi pwedeng palitan yung driver's ID ng passenger's ID kahit ako naman talaga ang regular na bumabalik sa village?
- May naka-experience na rin ba nito sa Dasmariñas Village?
Again, I'm not saying we were right. Mali talaga na hindi kami nag-full stop kahit walang sasakyan. Curious lang ako kung ganito talaga ang implementation ng rules nila or if this was handled differently than usual.
Posted Jun 29, 2026, 11:34 PM UTC