Tanong lang po about product replacement

Good day po.

Tatanong lang po sana ako sa concern ko ngayon. Kasi po meron po akong nabiling laptop (Lenovo Legion 5 worth 117,000) sa Gigahertz Baguio. Ngayon may factory defect po yung unang unit. 

Nabili ko po siya ng June 17, 2026 and binigay ko pa siya sa shop ng June 22, 2026. Approved po yung product replacement so binalak ko kumuha ng mas malakas na unit so nagdagdag po ako 36,000 para po dun sa ipapalit. 

Ngayon ang issue naman is may defect na naman po etong pinalit na unit which is nag o-off yung wifi niya ng kusa basta mag ru-run ako ng games. Babalik lang siya sa dati kapag na restart.

Ang case din is different brand na eto from Lenovo Legion 5 to Acer Predator Helios 16 AI, eto po yung nagdagdag ako ng 36,000. So ang sabi sa shop is isang product replacement lang magagawa nila. So ano po ang best na gagawin dito? Lalo pag hardware po ang sira, entitled pa rin ba ako sa product replacement ng 2nd unit?

Posted Jun 30, 2026, 2:43 AM UTC

05
Loading comments…