Pregnancy in UAE

Daily Life Discussions

Grabe, gusto ko lang sana magrant na ang sad lang na hindi pregnancy friendly yung work ko.

For context, one month pa lang ako sa company nung nalaman ko na buntis ako after 3 years of trying. So medyo nahihirapan pa talaga ako magadjust sa work load and sa mga nararamdaman ng katawan ko.

Ngayon, Parati nila akong sinasabihan na mabagal na akala mo kaya ko kumilos ng kasing bilis nila. Siguro kung icocompare sa kanila mabagal nga ako pero compared sa experience nila parang di naman tama ata kasi Ako, 3 months pa lang sa company sila 6 years na. Gusto nila maging kasing bilis nila, considering ang work namin is physical work.

Ang hirap. Feeling ko, tangang tanga pa sila sa akin kapag nagtatanong ako. Gusto ko na sana magresign, kaso, nanghihinayang ako sa insurance for check ups.

Posted Jun 30, 2026, 2:52 AM UTC

45
Loading comments…