Ano thoughts niyo sa content creators na nagli-livestream ng Umingle?

Social Matters

Problem/Goal: Curious lang ako sa thoughts ng iba tungkol sa content creators na nagli-livestream habang gumagamit ng Umingle.

Context: Napansin ko kasi may mga content creators na nagli-livestream habang nasa Umingle sila. Ang concern ko is yung mga random people na namamatch nila.

For example, may isang tao na sobrang carefree lang makipag-usap, thinking na one-on-one lang sila sa kausap nila. Tapos hindi nila alam na naka-broadcast na pala sila live sa 500+ viewers.

Gets ko naman na public platform siya at may chance talaga na ma-record ka, pero parang iba pa rin kapag ginagawa kang content o pinapalabas live sa malaking audience nang hindi mo alam.

Curious lang ako: do you think ethical ba ’to? Is this considered an invasion of privacy, or expected na talaga ’yun once you use platforms like Umingle?

Gusto ko lang marinig iba’t ibang perspective. Saan ba dapat i-draw yung line between “you agreed to use the platform” and respecting someone’s expectation of privacy?

Posted Jul 4, 2026, 6:33 PM UTC

33
Loading comments…