Observations sa Gym

Hi everyone! Gusto ko lang mag-share ng ilang observations ko sa gym sa bandang Shaw. Hindi ito para magreklamo nang walang dahilan. Alam kong public gym ito at iba-iba tayo ng nakasanayan, pero sana magkaroon lang tayo ng basic gym etiquette at respeto sa isa't isa. Lahat naman tayo ay nagbabayad sa paggamit ng gym at gusto lang magkaroon ng maayos na workout experience.

  1. Yung mga pawis, sana punasan pagkatapos gamitin. May pamunas at disinfectant spray naman.

  2. Sa locker room, sana iwasang gawing tambayan lalo na kapag peak hours. Maliit lang ang space at minsan wala nang maupuan dahil sa mga bag.

  3. Hindi binabalik ang mga gamit tulad ng dumbbells at iba pang equipment sa lagayan pagkatapos gamitin

  4. Sana maging considerate sa rest between sets. I understand na iba-iba ang training program, pero more than 5 mins?

  5. Sana hinaan din nang konti ang boses. Mas okay pa rin ang gym na may magandang atmosphere kaysa parang nasa palengke.

  6. Last but not the least, cheater na nga, may tropa pang certified enabler. And, knows naman na may partner, nilalandi pa!!!! Don't worry, karma never skips leg day and it trains patience 🙂.

Posted Jul 6, 2026, 1:14 PM UTC

53
Loading comments…