SCRIPTED Testimony portion?

ayon sa turo, hindi sa culture

Ngayon ko lang nadiscover ang Reddit na ito kaya ngayon ko lang siya maibabahagi na makakarating sa mga tao especially sa mga members ng JMCIM. Napansin ko na sobrang scripted na ng testimony portion ng sambahan ngayon. Nakakadismaya na paulit ulit na parang gustong isingit lagi sa patotoo, to the point na nauutal na yung nagpapatotoo or nawawala sa composure dahil kailangan niyang banggitin yung pinababanggit sakanya. Unang una yung pagbasa ng pagbati, sa sobrang daming binabati ubos na agad oras ng magpapatotoo para ibahagi ang kanyang patotoo at saka wala na agad annointing gawa ng kelangan magconcentrate na maitama ang binabasa, kami na nakikinig parang napapangiwi na lang eh, dati malaya kang magpahayag ng pasasalamat sa Mahal na Panginoon at batiin mo lang sino ang dapat batiin. Ngayon ang listahan sobrang haba na kulang na lang isa isahin ang nga pangalan ng babatiin. Tapos ikacut yung patotoo dahil wala ng oras paano naubos na pagbati pa lang. Pangalawa, napapakinggan namin yung sa unang panalangin kapagka nasa bingit ng aksidente, which is hindi na makatotohanan kase actually pagka nasa bingit ka ng accident ang pangalan lang ng Mahal na Panginoon ang mababanggit or mga salitang "Hallelujah Praise The Lord" or "in Jesus Name". I don't see the point bakit kelangan ipilit na sabihin nila na nasabi nila sa unang panalangin ng mahal na pastor. Hindi na siya kapanipaniwala sa totoo lang kase simula pa lang na nasave kami tanging pangalan lang ng Mahal na Panginoon ang tanging proteksyon at mabisang kalasag sa lahat ng uri ng masama. Pangatlo, yung pagbibigay, halos lahat ng patotoo ngayon may special mention na ng pagbibigay, para bang naging desperate na ang dating. Ganon na lang kabilis ang turning point in a disappointing way ng mga pangyayare simula ng mawalan ng Pastor ang sambahan or should I say simula ng pamunuan ng mga half hearted na tao ang gawain. Hindi bulag ang mga kapatiran, nagkataon lang na kinagisnan na gawain ito ng mga nauna kagaya ng mga magulang namin. Pero sa totoo lang ang mga ito ay kapansin pansin, paano na lang sa mga nanunuod? Nakikinig ba ang mga sinasabing pinag-iwanan ng responsibility? Ano pong nangyari sa inyo?

Posted Jul 6, 2026, 1:18 PM UTC

713
Loading comments…