Ang sakit sakit magmahal ng avoidant.
Hi, andito na naman ako umiiyak sa dilim. Naalala ko dati nung nag-uusap pa kami, sinasabi niya na mahal niya ako at may pake siya. Pero hindi ko talaga maramdaman, lalo na kapag hindi kami okay. Ako yong palaging umiiyak sa amin. Ako yong maarteng nagsasabing "nasasaktan ako", tapos siya parang wala lang.
Napapatanong tuloy ako, wala lang na lahat ng pagmamahal na pinadamdam mo sa mga panahong okay pa tayo? Kasi ni katiting na pagmamahal hindi ko maramdaman kapag may hindi tayo pagkakaintindihan.
Ang hirap magmahal ng avoidant. Ramdam ko lang ang pagmamahal mo kapag okay lang tayo.
Posted Jul 6, 2026, 1:20 PM UTC
11