r/OffMyChestPH•
caalliii

Ang sakit sakit magmahal ng avoidant.

TRIGGER WARNING

Hi, andito na naman ako umiiyak sa dilim. Naalala ko dati nung nag-uusap pa kami, sinasabi niya na mahal niya ako at may pake siya kapag nag-aaway kami. Sadyang hindi niya lang maipakita. Pero hindi ko talaga maramdaman, lalo na kapag hindi kami okay. Ako yong palaging umiiyak sa amin. Ako yong maarteng nagsasabing "nasasaktan ako", tapos siya parang wala lang.

Napapatanong tuloy ako, wala lang ba lahat ng pagmamahal na pinadamdam mo sa mga panahong okay pa tayo? Kasi ni katiting na pagmamahal hindi ko maramdaman kapag may hindi tayo pagkakaintindihan.

Ngayon, umiiyak ulit ako. Hindi na kami nag-uusap pero masakit pa rin, at siya? Ang saya saya niyang tignan. Alam ko nagdurusa rin siya sa kawalan pero mas ramdam kong wala siyang kahit anong nararamdaman.

Ang sakit lang isipin na halos mabaliw ako kakaiyak pero pagsiya, parang wala lang lahat sa kaniya.

Posted Jul 6, 2026, 1:27 PM UTC

31
Loading comments…