r/adviceph•
Aegiaaa

How to cope kapag ikaw na yung ginagawang fallback ng pamilya?

Parenting & Family

Problem/Goal: How to cope and set boundaries?
Context: Nangutang sila mama sa akin ng PHP30k at gusto pa ulit mangutang

2nd year college student pa lang ako and recently lang ako nagka-WFH job with a US client. Wala pa akong 1 year sa work pero enough naman siya para masuportahan ko sarili ko and minsan pati school allowances ng 3 younger siblings ko.

Ngayon, ako na rin halos gumagastos sa groceries, utilities, at home credit sa bahay. Dahil doon, wala na akong halos maipon kahit gusto ko talagang mag-save for my future. Ang mas nakakapressure pa, 2-year contract lang itong trabaho ko kaya natatakot akong maubusan ng safety net.

Recently dineactivate ko muna yung FB, messenger, at IG ko kasi humihingi na naman ng pera yung parents ko at hindi ko na talaga alam saan kukuha. I still live with them since I don't have enough savings

Sa mga naging breadwinner or naging "fallback" sa family, paano kayo nagcope? Paano kayo nagset ng boundaries nang hindi kinakain ng guilt?

Previous attempts: Nag-open up na rin ako sa isang kaibigan tungkol dito. Sabi niya 'tulungan mo muna kasi ikaw yung may kakayahang mag-provide', though i get her point, pero ang hirap tanggapin kasi pareho namang employed yung parents ko at student pa rin ako. Hindi ko maintindihan bakit parang ako yung inaasahang sumalo sa lahat.

Posted Jul 6, 2026, 1:27 PM UTC

213
Loading comments…