I went from being a head-turner to the "maswerteng kumag." How do I fix myself?

Need your help, guys.

May girlfriend ako and we're almost 8 years together. Pareho kaming 24 years old. Sobrang ganda niya, like legit head-turner. Pretty asf, sexy asf, and everywhere we go may napapalingon talaga.

The thing is, noong early years ng relationship namin, masasabi ko rin na head-turner ako. Lalo na noong SHS days. Active ako sa gym, flat yung tiyan, malaki dibdib at braso, tapos confident talaga ako sa sarili ko.

Then COVID happened.

Doon talaga ako nag-hit rock bottom sa looks ko. Napabayaan ko sarili ko, stress eating, wala nang workout, and ngayon I'm 5'8, 111kg. Ang dami ko ring dark spots, lalo na sa neck and underarms. Feeling ko baka dahil diabetic ako, pero hindi pa naman ako nagpapa-test so assumption ko lang yun.

The good thing is, I'm already doing something about it. Ilang weeks na ulit akong consistent sa gym, nagsimula na rin akong mag-count ng calories, and committed talaga akong pumayat.

Pero gusto ko rin sana i-level up yung face card ko.

Hindi lang katawan gusto kong ayusin. Gusto ko rin maging maayos skin ko. Yung tipong fresh tingnan kahit lalaki. Gusto ko maging confident ulit pag magkasama kami.

To be clear, hindi ko naman nararamdaman na nahihiya girlfriend ko sakin. Never niya pinaramdam yun. Supportive pa nga siya lagi.

Pero alam niyo yung feeling na gusto mo lang maging best version ng sarili mo? Gusto kong dumating sa point na pareho kaming good looking, hindi yung kami yung couple na sasabihan ng "Beauty and the Beast" o "maswerteng kumag." HAHAHA.

So sa mga guys dito na sobrang laki ng glow up niyo, pahingi naman ng advice.

Specifically:

  • Anong skincare products gamit niyo? (cleanser, moisturizer, sunscreen, serum, etc.)
  • May marerecommend ba kayong whitening products na effective talaga sa guys? Kahit for face and body.
  • Paano niyo nawala yung dark neck and underarm niyo?
  • Any habits na sobrang nakatulong sa glow up niyo bukod sa pagpayat?
  • If naging overweight din kayo before, gaano kalaki naging improvement ng face niyo after losing weight?

Budget-friendly recommendations are appreciated, pero okay lang din kung medyo pricey basta worth it.

Salamat guys. Sana next year hindi na ako mukhang napabayaan ng panahon. 😂

Posted Jul 6, 2026, 1:27 PM UTC

07
Loading comments…