r/WLW_PHβ€’
Empty-Market-656

Relapse? Maybe? Idk.

Rant / Vent / No Advice Needed

Idk how to start this pero gusto ko lang mailabas 'to.

Lately, I feel lost. Di ko alam, parang nagnunumb yung feels ko. Maybe stuck parin ako and still can't move on? But it's been 6yrs or 7? Antagal na pero pls bear with me, medj mahaba 'to. Gsto ko lang talaga mailabas 't1o.

Anyways, so ayun. Bored lang naman ako nun kaya naisipan ko mag omegle. Not until I met someone. Like sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Sobrang magkavibes kami. (Pero at first I thought lalaki siya kasi di siya nagpapakilala agad.) Pero alam mo yung first chat niyo palang parang ilang taon na kayong magkakilala. Sobrang gaan, like yung gusto kong vibes sa isang tao kuhang kuha niya. So in an instant, nagclick agad kami. (I wasn't expecting na mafall ng ganun kabilis sa isang girl. I used to believe na straight ako not until nakilala ko siya. Straight pa sa ruler pero bendable hahaha.) Pero ayun di nagtagal, lumipat na kami sa messenger. Ilang araw lang naattach na ako sa kanya. Hahaha (may attachment issues yarn) so ayuuun ilang months nagkausap, on and off. Nang-ghost siya. Then bumabalik. Tas nangghost ulit. Tas bumalik ulit. Pero itong si tanga tinanggap din naman πŸ˜‚

Not until nung review ko na for board exam, nag away kami malala kasi parang sumobra ako. Di ko namalayan na nagcocross na ako sa boundary. So ayun, she was trying to end up kung ano mang meron samin if meron man. I was begging her na not this time kasi malapit na board exam ko nun but sabi niya lang is she was not ready and ayaw niya akong madisturb sa pagrereview ko. And ako naman si tanga di pumayag and parang sobrang atat ko that time na maging kami. Pero she really cut-off yung communications namin like no proper closure.. both phone number and socmed. So ayun feel ko that time I was left hanging. I was trying to focus sa board exam nun. But I end up failing my first take. Moving forward.. after ko pumasa. Tinry ko siya ireach-out ulit. Begging for 2nd chance. Nagsorry ako sa mga nasabi ko. And honest to goodness, I really regret it. Pero no response from her. No seen. No reply. Wala. As in wala. Ilang taon akong nagpakatanga. Ilang taon akong nagdwell and ilang taon kong ayaw kumilala ulit. And until now I'm still hoping na bumalik parin siya kahit na 6 or 7yrs na ang nakalipas.

But now tinatry ko kumilala and makipag-usap ulit, this time sa guy but lagi akong nawawalan ng gana agad. Hinahanap ko parin yung same ng vibes with her. Yung same attitude. Gusto ko siya parin. Potek. Sobrang tanga ko talaga pagdating sa kanya. Ayaw kong kumilala ng iba. Dehyum!

To you bab, I don't know if nagbabasa ka sa reddit. Pero I am still hoping na bumalik ka. Hirap akong kumilala ng iba. I am trying pero yung katulad mo parin ang hinahanap ko. Tang... Pero bab, engineer na pala ako now. Sana proud ka parin sakin. Ikaw at ikaw parin. Eyyy πŸ€™πŸ˜‚ Still loving you from afar. Ingat ka palagi jan kung saan kaman naroroon ngayon. I still love you bab πŸ₯Ί

Posted Jul 7, 2026, 9:57 PM UTC Β· locked

102
Loading comments…