Possible na ma-lay off na ako ng one-year client ko.

Community

Nagkaroon kasi siya ng fraudulent impersonation issue at na-ban lahat ng social media accounts niya. Dahil doon, halos tumigil lahat ng work, at mukhang napagdesisyunan na rin niyang hindi na ituloy yung coaching business niya.

Hindi pa niya ako officially tine-terminate, pero ramdam kong malapit na. At doon ko unang naranasan yung kinatatakutan ng maraming VA: isang client lang, walang backup, walang sapat na savings, at may utang pa.

Wala pang 24 hours mula nung napag-usapan namin yung situation niya, tatlong beses na akong umiyak. Hindi lang dahil baka mawalan ako ng trabaho, kundi dahil bumalik lahat ng takot. Bills, responsibilities, at yung pakiramdam na baka magsisimula na naman ako from scratch.

Mas lalong mabigat kasi sobrang traumatic ng naging job hunting experience ko bago ko siya nakuha. Halos 5 na buwan akong araw-araw naghahanap ng work habang nagtitiis sa toxic clients. Noong na-hire niya ako on the spot, doon lang talaga ako napaiyak sa sobrang relief.

Pakiramdam ko nun, finally, nakahinga rin ako.
Sa buong isang taon na naging client ko siya, sobrang blessed ko. Wala talaga akong negative comment. Mabait siya, understanding, at never akong pinabayaan. Siya rin yung client na nagpakita sa akin na hindi pala normal yung toxicity na naranasan ko sa dalawa kong previous clients. Doon ko lang na-realize na may mga client palang genuine, respectful, at masarap talagang pagtrabahuhan.

Siguro kaya mas masakit kasi nasanay na rin ako sa kanya. Ang dali naming mag-work together, at hindi ko alam kung makakahanap pa ba ulit ako ng client na kagaya niya. Sa tatlo kong naging clients, siya lang yung iniyakan ko nang ganito.

Ngayon, ang iniisip ko pa lang na kailangan kong ulitin yung buong job hunting process, naiiyak na agad ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko ulit mentally.

Recently lang din, nag-enroll ako sa gym with a PT. Ang saya ko kasi iyon lang talaga yung ginagawa ko para sa sarili ko outside of work. Pero ngayon, iniisip ko kung masasustain ko pa ba.

Alam kong may mas mabibigat pang pinagdadaanan ang iba, at ayokong i-compare yung sitwasyon ko sa kanila. Gusto ko lang talagang ilabas ito.

This subreddit has helped me a lot. Noong naghahanap ako ng work, dito ako nakakahanap ng comfort, advice, at lakas ng loob. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumuko noon. Kaya naisip ko ring dito mag-share ngayon, kasi pakiramdam ko kayo rin yung mga taong pinaka-makakaintindi sa pinagdadaanan ko.

Posted Jul 8, 2026, 9:30 AM UTC

83
Loading comments…