I got used to having all of my boyfriend's attention—now I'm struggling.
Problem/Goal:. From college days siya palagi ang umaalalay sakin and lahat ng oras niya basta kaya niya ibigay sakin, ibibigay niya talaga.
Context: these past few days parang nafefeel ko na malungkot ako pag hindi na kami masyado nag kakausap kasi busy na siya sa hobby niya which is yung sport na pickleball. Napapag-usapan naman na namin dati pa na okay lang na mag me time kasi diba part naman talaga yun para healthy yung relationship nyong dalawa. Palagi ko pa nga siya pinipilit dati na lumabas sila ng friends niya and all pero lagi niya sabi sakin ayaw nya ganon, tinatamad siya. Kaya minsan pag alam kong may gala siya with friends masaya ako kasi nag kakaroon siya ng time sa sarili nya which is bihira lang din mangyari.
Tapos ngayon na madalas na siya mag enjoy sa sport na yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko na ngayon kung kailan na may time na siya sa sarili niya para mag enjoy and all na hindi ako kasama dun ko nararamdaman na parang nalulungkot ako bigla. Nakakalaro ko naman siya pero may mga times din kasi na hindi kasi hindi naman kami magkalevel ng galing, kaya may mga lakad siya na siya lang.
Nag uupdate naman siya sakin from time to time pero at the end of the day pag nakauwi na siya, automatic antok na siya so matutulog na siya agad kasi may work na kinabukasan.
Alam ko namang wala siyang iba HAHAHA just in case na bigla niyo maisip na baka nag ccheat na siya walang ganon promise.
Gusto ko lang malaman if mali ba na nasanay ako na lahat ng oras niya ay iginugugol niya lang sakin before? Tapos ngayong may napapagkaabalahan na siyang hobby na gustong-gusto niya saka ako nalulungkot.
And, please I need your advice papaano ko siya matatanggap na hindi ako nalulungkot hahahah. Or baka nappraning lang din ako kasi may nakita akong post sa tiktok l yung mga bigla-biglang nag kakakilala sa pickleball na kahit gaano pa kabait yung partner mo dahil sa pickleball nasira lahat. Nakakaloka!!
Posted Jul 10, 2026, 5:52 PM UTC