Pagod na ako.

TRIGGER WARNING

Pagod na akong maging isang tao.
Pagod na akong maging isang asawa na halos ako ang nagpprovide at nag-iisip ng paraan para maka-survive.
Pagod na akong maging isang working mom. Alaga sa 3 anak sa umaga, trabaho sa gabi (BPO employee). Madalas walang tulog dahil may 6 months old ako na baby. Walang pwedeng mag-alaga. Hindi naman ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil lubog na ako sa utang.
Nakakapagod na.
Pagod na ako.
Gusto ko namang huminga.
Feeling ko nalulunod na ako.
Gusto ko na umalis sa ganitong sitwasyon.
Pagod na ako. 😭🙏

Posted Jul 10, 2026, 7:23 PM UTC

3522
Loading comments…