First Time ko Magka-Work Crush
Would love to hear you guys' perspective about this, and gusto ko lang din magkwento HAHSDAHSD
I'm 5 months in my work, pero 2 months na din akong may gusto sa engr manager na new hire din after sa akin. I'm a marketing girlie, so hindi kami directly na nag-i-interact sa isa't isa noong mga unang araw namin. However, as we both grow into our positions, madalas na din kaming nag-uusap sa personal (LANG.) He locked he's Fb profile, which is both an attraction (kasi may boundaries sya from work) pero at the same time, sakit ng ulo sa akin kasi wala talaga akong ibang means of flirting with him aside sa workplace namin, hanggang sa isang araw, hindi na lang yon.
It was around May noong nagkagusto ako sa kanya. I barely know anything about him, pero since open concept ang office namin, I was able to hear the things he shares sa workmates namin na nakikiusyoso sa buhay nya, kasi poging engineer. I had no intentions of liking him, pero overtime, madalas ko na syang ninanakawan ng tingin. He's position is a managerial one, so may authority talaga sya. I get to hear him preside over meetings, and manghang-mangha ako (and turned on a bit) noong narinig kong sobrang kalmado and malambing pa rin ang boses nya, pero dinig mo pa rin ang authority. Kahit ako hindi ko din inakala na ganon ang trip ko. He left for weeks for a business trip, and noong bumalik sya for a short time before umalis ulit, my coworker saw him take quick glances at me daw. I dismissed it initially kasi ayoko mag-assume, pero malamang kinikilig pa rin ako.
While he was away, I started my running era to improve my health, and everytime na uuwi ako galing trabaho, I would jog. And for some reason, I had a gut feel na makikita ko din sya doon. I would play song during my run, and sya palagi ang iniisip ko, kung ano na bang ginagawa nya sa business trip nya and kung kelan sya babalik. Based from what I heard from our coworkers, malayo ang inuuwian nya from our workplace, kaya may part sa akin na baka delusional lang kako ako.
However, after nyang makabalik, out of the blue, NALAMAN KONG TUMATAKBO DIN PALA TALAGA SYA SA SAME ROUTE AND LOCATION that I would usually jog. Paano ko kamo nalaman? Kwinento sa akin ng katrabaho namin na kasabay nyang bumalik sa branch namin, na galing from a different branch of our company. They told me na nakikita nga raw ako ni engr na tumatakbo. Syempre ang ate nyo tuwa-tuwa kasi may gut feel was right all along, and namamangha akong naging dumaan din pala ako sa isip ni engr, enough para ikwento nya ako sa workmate namin HAHSDAHSDHASD
Weeks after nyang makabalik, and dami nang nangyayare. We already had moments na nagkakahulihan kami parehong nakatingin sa isa't isa. Since open concept nga office namin, may desk fortunately grants me to directly look at him araw-araw without him noticing. Iaangat ko lang ang tingin ko from my monitor, and bam, side profile nya kagad ang nakikita ko. And after kong nalaman na malaki ang chance kong makita pa rin sya after work, ang bilis ko nang umuuwi, and madalas na din kaming nagkakasalubong habang tumatakbo. There were also time na nagkakasabay kami sa pag-aantay ng elevator pauwi, kasi same ang shift namin. We're now talking sa work, pero madalas is habang nag-aantay lang kami sa elevator, and tungkol lang din sa jogging ang pinag-uusapan namin. Walang ni-isa sa aming dalawa ang nagbo-brought up ng times na nagkakatitigan kami sa isa't isa, especially yung time na nahuli ko syang nakatitig lang sa akin habang kausap ko ang intern ko that time.
There was also one time na nasa 7/11 kami with our workmates para magpagpag kasi galing kami sa burol ng kamag-anak ng katrabaho namin. He treated us with refreshments, and noong pabalik na ako sa cashier para dalhin na yung kapeng nilagyan ko ng yelo, nginitian ko sya as usual as a coworker, plus, i was genuinely happy to get a free iced coffee. However, noong nginitian ko sya, para lang syang nakakita ng multo. Tinitigan nya rin ako pabalik, yes, pero hindi nya din ako nginitian like usual. Like para talaga syang nakakita ng multo based sa reaction nya noong naglalakad ako palapit sa kanya. Ewan, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ba't ganon ang reaction nya.
We've gotten a bit closer i would say compared noong una, pero hindi pa ganon ka-close enough to share about personal life. Pero you know what, if this is a slow burn, i'll take it. Bomba na HASHDAHSDJASD
Today, may re-arranging na magaganap sa lintek na open concept naming opisina, and magpapalit talaga ng position ang engineering and marketing dept. i think he's eyeing kung saan ako naakapwesto ang desk ko, because like a usual engineer, nag-site visit ang crush ko, nilapitan ang department namin (meaning, ako, kasi ako lang mag-isa doon noong time na yon) and plinano mismo sa harapan ko kung saan sya and yung isang pang engineer uupo. if ever he choose to place his desk sa kung saan ako nakaupo currently, HE WOULD ACTUALLY SEE MY POINT OF VIEW EVERYTIME NA MAGTITITIGAN KAMI!! Ako naman ang mapupunta sa sitwasyon na pwede nya akong titigan all the time and wala akong kaide-ideya 😭
Ewan HSHDAHSDH yan lang ang work crush chronicles ko in the meantime. Thoughts?
Posted Jul 10, 2026, 7:24 PM UTC