Kabitan sa partition dito sa UAE
Pa-rant lang at gusto ko rin marinig opinyon ng mga kabayan.
Nakatira ako ngayon sa isang all-girls partition dito sa UAE. Tahimik naman ang place namin. Katabi kong partition ay isang teacher na Christian. Tuwing umaga at bago matulog, lagi siyang nagpapatugtog ng worship songs, kaya ang impression ko talaga sa kanya ay very religious.
One day, kinausap ako ng caretaker kung okay lang daw ba na may lalaki na lumipat sa isang partition. Sabi ko hindi ako komportable, lalo na all-girls nga ang setup. Sinabi pa niya na nakausap na raw ang katabi kong partition at okay lang daw.
After ilang araw, nalaman ko na boyfriend pala ng katabi kong partition ang lumipat. Since magkatabi lang kami ng partition, rinig na rinig halos gabi-gabi ang kababalaghan na ginagawa nila. Out of curiosity, na-stalk ko yung lalaki sa Facebook. Doon ko nakita na mukhang may asawa at pamilya siya sa Pilipinas. Siyempre, social media lang ang basehan ko at hindi ko alam ang buong sitwasyon, pero kung totoo man, sobrang nakakagulat. Naisip ko rin kung alam ba ng babae ang tungkol doon o may ibang kuwento sa likod nito.
Kayo ba, normal na ba talaga ang ganitong mga sitwasyon sa mga partition dito sa UAE? O malas lang ako sa napuntahan kong place? Ang dami ko kasing naririnig na kuwento tungkol sa mga ganitong setup.
Curious lang ako kung ano experience ng iba.
Posted Jul 10, 2026, 7:26 PM UTC