Ganito ren ba partner nyo sa inyo?

NO ADVICE WANTED

Hindi ko alam pano ko ba to sisimulan. Hindi ako magaling mag kwento. Gusto ko lang ilabas dito kase wala naman ako nasasabihan. Tahimik lang akong tao. Usually, nasa loob ko lang mga nararamdaman ko.

I have a wife. 4 years na kameng kasal. Bago kame ikasal, inaway nya ko ng matinde at napakababaw na dahilan. Masasabe kong matinde kase minura nya ako. As in may "mo" yung mura eh. Walang ex ko ang nakagawa nun saken except sya. That time, nasaktan talaga ako. Iba yung tama ng sigawan at murahin ka.

Aaminin ko, nag dalawang isip talaga ako noon kung itutuloy ko pa ba yung kasal namin kase pakiramdam ko, natapakan yung pagkatao ko. Bayad na namin lahat. Later on, napagusapan naman namin at nagka ayos kame. I forgave her and sabe nyang magbabago naman sya. Pero alam ko, nagbago ako. Hindi ko maipaliwanag pero parang nabawasan talaga yung love ko sa kanya that time dahil sa nangyare na yun. Later on, natuloy yung kasal namin.

Matigas ang wife ko. Hindi sya nag so-sorry madalas. Kaya nya akong tiisin. Madali naman akong magpatawad at suyuin. Isang beses lang sya nag sorry sakin sa naalala ko ng nag away kame.

Sa duration ng pagiging mag asawa namin, alam mo yun, na ffeel ko na madalas, kontra saken asawa ko. Minsan mag kwento lang ako, magsabe ako ng opinyon ko, madalas syang sasagot ng kasalungat ng sinasabe ko na para bang ako yung mal or mali yung sinasabe ko. Feeling ko tuloy, minsan mas kakampehan pa nya ibang tao kesa saken dahil sa ganitong pinapakita nya saken eh.

Mahilig din syang punahin ako. Example, may times pag tinatawag nya ko at nag pphone ako, di ko agad nadidinig. Palage na lang daw ako di maka dinig pag ng pphone. Eh sya din naman ganon eh. Di ko naman sinisita.

Sa mga ganyang bagay, tahimik lang ako. Di na ko sumasagot at kinikeep ko na lang sa loob ko yung gusto ko sabihin dahil ayoko ng pagtatalo.

Masakit magsalita asawa ko. Pag sa ibang tao nahihiya sya magsabe ng kung ano, baka kung ano sabihin. Pero ako na asawa nya, kaya nya sabihan ng masakit. Bat ganon diba? Bat sa iba nahihiya ka pero saken na asawa mo, okay lang?

Hindi ko na nasasabe sa kanya tong ganitong bagay kase ending, magtatalo lang kame.

Sa alam ko, okay naman akong asawa. I provide pero mas malaki sahod nya saken. Ako yung asawa na from work, deretso ko ng bahay umuuwi. Hindi ako gumigimick. Mas gusto ko kasama family ko. Hindi ako pala labas. Pala labas lang ako pag kame ang magkasama or some other closest friends at kasama din sya. Hindi mo ako hahanapin ng gabi na bat di pa ko umuuwi. Di mo ako susunduin sa inuman pa kase hindi ako umiinom. Hindi ako nag susugal. Hindi ako nambababae. Inaalagaan ko anak namin. Madalas, hindi mo na ako kelangang utusan sa gawaing bahay at may kusa ako. Pero bat ganito sa pakiramdam? Minsan parang pagod na ko eh. Nakakapagod din talaga ang buhay eh no?

Andami ko pa gusto sabihin pero masyado na atang mahaba to. Hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko bakit ganito. Pasensya na at hindi ako magaling mag kwento ng written. Just really want this off me.

Posted Jul 10, 2026, 7:29 PM UTC · locked

181
Loading comments…