ML

Di mo deserve, ang bumalik sa seldang pinangalingan mo. Deserve mong maging isang ibon na pinapakita ang kanyang magagndang balahibo. Deserve mo ang isang relasyon na, puno nang pag ibig at puno nang pang unawa na kaya kang intindihin. Lagi kong sinasabi sayo, na andito ako kahit anong mangyare. Andito ako para gabayan ka at tulungan ka.

Pag pakiramdam mo na overwhelm ka or na prepressure ka, sabihen mo sakin para atleast alam ko kung ano yung gagawin para mabawasan ng konti ung bigat na raramdaman mo. Gusto ko lang naman, na maging maayos ka. At maabot mo yung mga pangarap mo sa buhay.

Masaya ako na kahit kaunti, nagagawa mo yung gusto mo. Masaya ako na nagiging open ka sakin sa mga bagay na nararamdaman mo. Di nako papayag na bumalik ka sa seldang pinangalingan mo. Sakin ka kumapit, saakin ka kumuha ng lakas ng loob. Dahil, ako ang pader na pwde mong sandalan.

Mahal kita ML. Di ko to ginagawa dahil sa udyok nang mga naka paligid sa atin, kung di ginagawa ko to sa sarili kong desisyon. pero ginagawa ko to lahat, para sayo, para saatin at para saakin. Sobrang na niniwala ako sa pag ibig natin. Alam kong pinatibay na to ng pag subok at panahon. Eto yung pag ibig na masarap, masaya, at gustong kong ilaban hanggang dulo.

Pangako ko sayo ML, hihintayin kita at mamahalin kita. Hanggang sa huling hininga ko aantayin at mamahalin kita. Di na ako mag hahanap nang iba, dahil sayo ako sigurado. Sayo ako kuntento. Sayo ko gustong ibuhos ang ang aking oras sa mundong ito. Naiintindihan ko ang sitwasyon natin at sobrang proud ako sayo. Ang sarap mo lang ipag malaki sa mundo na, eto si ML, girlfriend ko future nanay ng mga anak ko at magiging asawa ko pag dating nang panahon.

Muli ML, mahal na mahal kita. At aantayin kita magpakailanman.

Posted Jul 11, 2026, 2:34 PM UTC

10
Loading comments…