normal ba ang 41 inches na legs para sa 17 taong gulang na teenager?
Marami po nagsasabi na ang "legs" ko raw ay parang pang - babae. Kadalasan sinasabi na hindi bagay sayo mag basketball, sobrang payat mo kumakain ka pa ba, mag - palaki ka kasi ng katawan mo. Mga kasabihan na imbis na mas maging confident ako, mas lalo napunta sa negatibo. Ngayon, hindi ko na masyado dinadama ang mga kasabihang ito, ngunit paminsan - minsan ay napapapunta pa rin sa kaisipan ko. Ang buong height ko po last time na pag - measure ay umaabot 5'10 and a ½, so halos 60% po ng height ko ay legs lamang, outseam mismo. At sa proportion ko na ito, sobrang payat, maaaring kasalan ko rin, na ganyan ang naririnig ko. Nakakaiyak lang na isipin na kinakaya nilang sabihin iyon. Payat na matangkad, buhay ay minsan katapat.
Posted Jul 11, 2026, 2:37 PM UTC