Dear Lord, salamat.

NO ADVICE NEEDED

Ang hirap pala mag mahal ng isang nurse na dedicated at maalaga. Sobra pasasalamat ko sayo dahil di mo siya pinabayaan. Madami pa siya matutulungan. Salamat din sa lakas na binibigay mo sakin ngayon para sakanya.

Ang sakit mag mahal ng isang nurse kasi tao lang din sila. Sana makita ng gobyerno kung gaano sila kahalaga.

Naalala ko nung mga araw na ginagapang ko yung sarili ko makapunta lang ng clinic. A simple gesture na painomin ka ng gamot at abutan ng tubig sobrang naappreciate ko na.

Yung mga nurse na pagtapos uminom ng kape lilinisin yung table nila at mag papaalam.

Lord pagalingin mo lang sya, pangako mas aalagaan ko siya pag uwi niya.

Naalala ko yung unang beses na lumuhod at umiyak ako ng todo habang hawak ko yung rosary dahil I caught my ex cheating again on me. Multiple times.

Yung pangalawa naman noong nawala yung tatay ko. Ilang weeks akong 16 hours duty tapos yun yung maabutan ko.

Yung pangatlo naman yung ngayon. Yung nakita ko siyang nahihirapan. Sobrang sakit. Salamat lord, dahil ngayon nakikita ko na ulit yung spark sa mata nya.

Sana makauwi na siya lord dahil madami kaming gagawing memories….

Ngayon alam ko na kung ano ba talagang mas mahalaga dito sa mundo.

Hindi title, hindi layo ng narating kundi yung mga tao sa paligid natin. How we treat them. How we show them compassion. How we listen to their stories.

Sa bawat taong nakakasalamuha ko, may markang iniiwan sa buhay ko at sana may marka din akong naiwan sakanila.

May mga taong dadaan lang sa buhay natin. The question is, did they left us better? Did we left them better than we met them?

Cause that matters.
Life is beautiful ika nga at thankful ako dahil nakikita ko na. Well, shout out to my psychiatrist at sa mga kaibigan na ginawa kong psychiatrist. Sorry na.

Salamat lord, sa araw araw na gumigising ako.
Ang tanging hiling ko lang wag niyo pabayaan yung taong mahal ko at nag mahal ng totoo sakin.

Yung taong dahilan kung bakit naka recover din ako nung nagkasakit ko. Libreng alaga.

Shout out sa lahat ng nasa medical field.
Kayo yung dahilan bakit maliwanag ang mundo. Kayo yung dahil bakit maganda ang buhay.

Kayo yung rainbow after the rain, lalo na yung babaeng mahal ko. ✨

Handa akong patigilin ang mundo ko, maramdaman mo lang na hindi ka nag iisa, habang buhay.

Habang buhay kita sasamahan sa mga trip mo, mag motor man tayo sa siquijor, mag katay man tayo ng tao at gawing adobo. Eme lang, kanta na to.

Mahal na mahal kita my marilag. Alam ko mababasa mo to. Hihi no more unsent letters. Emi

-K

Posted Jul 11, 2026, 8:50 PM UTC · locked

31
Loading comments…