Cheese Burger
Nag lalakad ako pauwe galing work, super exhausted ng araw ko. Anyway Im working as a travel associate. Sobrang daming client that day and ang daming reklamo sa online due to change flight sched dahil sa bagyo. Then bigla ko naalala na hindi pa pala ko kumakain for the whole day, petsa de peligro nadin kasi like sakto nalang for my transpo and may 2 days pa ko para maka survive. Kaya hindi na ko nakakain dahil hihiram pala ko sa ka work ko ng 5H for my budget until 15. Pag dating ko sa apartment ko mag sasaing na sana ko kaso wala na palang bigas, wala nading delata na pwede maulam and worst pinatay pa ni Land lord yung main switch ng tubig ko since 6 Days na akong late buti nakapag ipon ako ng isang drum. Naiyak nalang ako, wala naman na akong magagawa.
I just accept it.
Wala naman akong friends to call, Wala din naman ang parents ko to ask for help.
So lumabas nalang ako ng apartment at nag lakad papuntang Angels Burger, itataya ko nalang yung 50 ko for 1 day transpo sana going to work. Di nalang ako papasok for 1 day and i-file nalang ng Sick leave.
So ayun Pag kagat ko ng Cheese Burger parang nawala yung buong pagod ko.
Posted Jul 13, 2026, 10:28 AM UTC