ang sarap ng may magulang
I’m not in my best lately. May pinagdadaanan kameng mag-asawa lately.
Sobrang pagod na yung puso, utak at katawan ko. 3yrs palang kameng married. So far ito na ata yung pinakamalala nameng away.
For the first time din, nag-layas ako kasama anak namen pauwe sa magulang ko. Hindi ko to gawain kahit may mga away kame before.
Hindi ako nagsumbong. Wala akong sinabe na kahit ano. sabe ko lang, pagod ako mag alaga. gusto ko lang magpahinga.
hindi sya nagtanong kahit biglaan yung punta ko sa bahay. inalagaan ng nanay ko anak ko nakatulog ako. Nilibre nya kong pagkain sa labas. Kahit wala akong sinabe na kahit ano.
Ramdam ko na alam ng nanay ko na may pinagdadaanan ako. Kahit hindi ako nagsasalita. Ramdam kong yun yung way ng nanay ko na i-comfort ako.
Naiiyak ako habang tina-type to. sana humaba pa buhay ng mga magulang naten. hindi natatapos ang pagiging magulang kahit adult na mga anak nila. hays.
Posted Jul 13, 2026, 10:41 AM UTC