First time ko nakitang umiyak si mama

📦 Others

Kaninang umaga bago ako pumasok sa work, hinahanap ni Mama yung shoes ko sa hagdan. Bigla siyang na out of balance. Buti na lang hindi siya tuluyang natumba nahagip lang niya yung kahoy sa hagdan. Medyo matalas yung texture nun kaya natamaan yung bandang tenga niya. Thankfully, hindi naman dumugo, namula lang.

Umiyak si Mama na parang bata, pero tahimik lang, walang halos tunog. Pinag-ice ko muna siya tapos si Papa na yung nag-asikaso kasi kailangan ko nang pumasok sa work.

Habang nasa motor ako papunta sa trabaho, bigla na lang akong naiyak. Doon ko lalo na-realize na tumatanda na talaga ang mga magulang natin, at unti unti na ring nanghihina. Ang bigat pala sa pakiramdam makita silang ganun.

Ingatan natin at yakapin natin sila habang nandito pa sila

Posted Jul 23, 2026, 4:56 AM UTC

16012
Loading comments…