Poor service from local brands/manufacturers
Anyone here have experience ordering from Abnnormal Bags?
Honestly, sobrang disappointing ng experience ko. Ang bilis nilang mag-reply nung nag-iinquire ako at kukunin na yung order at payment ko. Pero ngayong nagfo-follow up na ako, ni isang reply wala.
I saw a lot of feedback kaya I know legit naman sila, pero bakit ganito yung customer service? Ang usapan was 2–3 weeks for my custom order. I'm already on my 6th week, and hanggang ngayon wala pa ring update or response.
I've had a similar experience with RackenrollPH. Solid naman talaga yung quality ng gawa nila, and hands up kay Sir Obi. Pero sobrang hirap din nilang i-contact. Nagkaroon ako ng concern tungkol sa rack, nag-follow up ako sa page nila, pero hindi na ako binalikan. In the end, sa DJCycleWorks ko na lang pinaayos.
Nakakalungkot lang kasi ang gaganda ng products ng mga local brands, pero customer service is part of the product too. Hindi naman issue kung may delay, pero sana man lang may maayos na communication. A simple update goes a long way. Respect your customers' time and effort, dahil sila rin naman ang dahilan kung bakit meron pa kayong negosyo.
Posted Jul 23, 2026, 5:04 AM UTC