Paano niyo hinandle ang pagiging panganay nang biglang parang kayo na ang sumalo sa lahat?
For context, my dad works abroad kasama sila ng sister ko doon since nagaaral pa sya, and kami naman ng brother ko dito sa pinas nagaaral. Kakagraduate ko lang last June and currently enrolled sa review center for my civil engineering licensure exam. Kaya umuwi ung papa at sister ko dito sa pinas para sa graduation ko which is magastos.
Now the problem is kasi, currently maraming utang ung papa ko doon sa abroad, like loans, credit card, bills, tuition, at utang sa kakilala tapos ako naman nagkautang rin kasi napilitan ako gamitin ung credit card ko since there were several months na hindi kaya makapag padala ng papa namin ng allowance namin ng brother ko para dito sa pinas, kaya nagamit ko ung cc ko para bayaran lahat ng bills, tuition ng brother ko, tapos groceries, until namaxed out na ung credit card ko and it reach the point na kinukulit na ako ng collection agency.
I explained to them our situation and told them na hindi ko talaga kaya bayaran as of now ung minimum balance kasi ialready projected our remaining budget which is 2.3k sa excel and naka allotted lang un para sa survival namin ng brother ko, wala pa nga ung electricity, water, at internet bills doon eh. Tapos ung problema, pagkakasyahin namin ung 2.3k nayun from ngayon until the next coming months. Sobra na nga tipid namin sa pagkain, halos araw araw itlog tapos delata which is very unhealthy kaso wala no choice kailangan may laman ung tyan namin.
Please don't judge po, responsible ako magmanage ng budget, lagi ko trinatrack at prinoproject ung monthly budget app at excel, sadyang nagkaroon lang ng mga unexpected financial crisis sa work ng papa ko abroad. Life's been pretty hard on us family kasi we lost our mother last year kaya nahihirapan rin kami financially dahil sa mga expenses at utang namin after.
Isa rin kasi sa problem ko is hindi marunong magbudget papa ko kasi nasanay sya na mama namin nagbubudget para sa kanya, kaya nung nawala sya, hindi na namamanage ung pera kaya medyo naupset ako sa kanya kasi sana prinoproject nya ung budget para hindi sana kami ginigipit. Kaya ngayon ako na ung nagtake initiative na gumawa ng budget plan para sa kanya. Tinatanong ko sya kung magkano ung swinesweldo nya these past few months ganito ganyan. Pero kasi nasa isip ko responsibility na nya un kasi imbis na iniintindi ko nalang ung pagrereview ko para sa boards, ngayon prinoproblema ko naman ung gastusin at kakainin namin ng brother ko. Isa pa is enrollment ng brother ko until Aug 8 and mag 2nd year na sana sya pero mukhang madedelay sya kasi di namin afford ung downpayment kaya naiisip ko if kung gumamit na ba ako ng loaning apps, kaso kasi ung mangyayari, dadagdag lang ulit ung utang namin.
Kaya ngayon, nadidilemma ako kung ituloy ko parin ba magaral para sa boards ko, para if nakapasa ako, makakahanap narin ako ng work para makatulong sa papa ko or, itigil ko muna ung pagaral sa boards at maghanap nalang muna ako ng part time para masustensyahan namin living expenses at tuition ng brother ko dito.
Kung kaya nasa situation ko, worth it bang umutang ulit para maitawid ung tuition at pang-araw-araw, o mas lalo lang kaming lulubog sa utang?
Posted Jul 23, 2026, 5:10 AM UTC