Pakilinaw naman sana ng hiring process nyo
Pa-rant lang kasi sobrang nakakadismaya ngayong araw. Supposedly, mag-apply ako sa C****** O** for a particular role. Matagal na akong ni-refer ng dati kong katrabaho kaso lang hesistant ako. Nagkakasakit kasi ako sa graveyard shift, tapos yung training ay onsite tapos kapag endorsed ka na sa Ops saka pa lang WFH. Taga probinsya po ako kaya ilang oras din ang byahe. Pero sa hirap ng buhay ngayon at sa tumataas na gastusin, sabi ko "sige try na natin kasi sign na to paulit-ulit in-offer sakin."
Ngayong araw, nasa jeep pa lang ako papuntang terminal nagchat na agad sa akin yung katrabaho ko kung tuloy na ba ako. Yung tipong yung pagiging supportive nya biglang naging doubtful yung tone. Pero sumakay pa rin ako ng bus papunta don. I'm mentally prepared sa kung anong mang ibigay nila basta matanggap ako. So kahit naiinis tinuloy ko na lang para kung ano man mang mangyari at least I tried. Kaso lang hindi pa ako nakaalis ng province namin, umaandar na ang bus at lahat, saka pa lang nilinaw na 150 people (both pre-registered and walk-in applicants) lang pala yung tatanggapin nilang application. Ang pagkakasabi sa website, yung walk-ins ang first come, first serve basis. Kaya nga kami nagfill up ng pre-registration form para sure na kaming papasukin pagpunta doon. Ni hindi rin ako nasabihan na ganito pala.
Kahit pa ibaling yung sisi sakin bakit hindi ako umalis nang mas maaga, anong laban ko doon sa mas malalapit kesa sa aking aabutin ng 3-4 hours ang total commute? Sobrang nakakadismaya kasi yung perang pang-apply ko pinahiram lang ako ng kaibigan ko. Yung pamilya ko nag-aabang na pag-uwi ko sasabihin kong natanggap ako.
Para sa isang napakalaking kumpanya, ligwak na ligwak nila sa transparency ng application process. Like gets namang maraming gustong makapasok, pero sana pinamukha nyong rare gem yung job role hindi yung grabe yung outreach pero sobrang limitado lang pala yung pwede. Napaka unfair din para sa mga taong pre-registered na. Hindi ko rin alam kung sa susunod na may hiring sila ay susubukan ko ulit. Pero sa ngayon magtingin na muna ako ng hiring sa ibang kumpanya, o kaya sa freelancing industry.
Basta, kailangan ko ng maraming peraaaaaa
Posted Jul 23, 2026, 10:06 AM UTC