Father died while on duty
Problem/Goal:
Hello, i really need an advice on what should i do sa situation namin right now. So si papa kakamatay lang last 2025, while on duty.
Context:
Kinamatay niya atake sa puso, but before that ok si papa, malakas katawan niya, wala naman siyang sakit. Pumasok pa siya that day, nakakapag send ng pic ng work nila. Then kagabihan nakita nalang siya sa cr na patay na, dead on arrival nung sinugod na sa ospital. Now, yung agency/ company ni papa sinasabi na wala naman sila responsibility doon since natural death daw yung kinamatay.
Hindi ba pwedeng maging reason yung environment ng work ni papa, bakit siya kinamatay? hindi ba dapat may pananagutan parin sila doon? ang ginigiit kasi ng company/agancy is nag bigay naman na daw sila 10k (abuloy) and that's enough na raw since natural death naman yung kinamatay. Nakaka ano lang since ok si papa the day before and nung araw na yun.
Attemps:
pinantry kong asikasuhin sa agency yung EC Benefits dun sa sss, kasi related sa work yung kinamatay ni papa but then hindi nila daw maasikaso since natural death talaga daw kinamatay ni papa.
I just need an advice kung ano po ba dapat gawin? or tama sila?
Posted Jul 23, 2026, 10:06 AM UTC