MOVE IT EXPERIENCE TODAY.

General Discussion

MOVE IT EXPERIENCE TODAY

Hello. I just want to vent out my feelings. Feel free to read.

I'm a muslim working here in Taguig. My bookings get cancelled all the time pag pauwi na ako dahil sa Maharlika ako nakatira. So pag may nakakakuha ng bookings ko, I would always send a message saying na, "Please don't cancel po. Thank you po."

I usually don't give feedbacks but I'll share my experience today with this rider. Pagdating po ng rider sa pick-up, ang unang tanong po saken is kung safe po ba sa drop-off location. I get this question all the time pag pauwi na ako. I always say "yes" at sinasabi ko na madaming non-Muslims doon. Other riders would ask more questions but they were respectful.

Pero this time, the rider was so unprofessional. Bago pa kami bumyahe, I did say na may mga non-Muslims din doon, and he responded, "kahit naman madaming Christian, hindi naman safe doon.". Hindi na ako nagsalita at sumakay na. Habang nasa byahe na kami, may sinabi pa sya. Na matagal na syang hindi dumadaan sa Maharlika. Tinanong nya kung sa looban ba yung drop-off location, and I said "yes". Nakita ko sya umiiling. Kita ko sa body language niya na parang dismayado sya na nakuha nya booking ko. (I assumed na naka auto accept ang mga riders. Most likely, ganun din sakanya.)

I prayed hard at baka kung saan niya ako idaan. And yes, he did. I requested na sa bayani road kami dumaan. Tinanong nya kung bakit, sabi ko masa mabilis yung daan pauwi. Sumunod naman si rider. Pagdating namin sa Waterfun, I thought sa Veteran's Road sya dadaan dahil malapit na sya doon at liliko nalang. Pero dumiretso siya ng daan. (Hindi ko makita yung phone nya pero kita ko sa likod palang niya na kinakalikot niya yung phone.) I did not mind nung deretso sya ng daan, assuming na sa Triumph ang byahe namin.

Lo and behold, iniba na naman niya yung daan niya. Somewhere that I'm not familiar with. Doon palang, ramdam ko na iniiwasan niyang pumasok sa bababaan ko. I did not retaliate because I was afraid that he might bring me somewhere else. Hinayaan ko siya sa kung saan niya gusto dumaan. Late ko na na-realize na may mapa pala ako sa phone para kita ko kung saan yung daan niya. Yung dinaanan naman is bako-bako at hindi ko talaga alam yung lugar na dinaanan niya. Iniisip pa niya kung saan siya dadaan.

Nung malapit na kami sa drop-off location, sa may bungad na ako nagpababa. Hindi ko na sya tiningnan at nilakad ko nalang pauwi. I gave him a one-star rating.

As a Muslim, it is disheartening to experience this kind of situation. Nandun parin yung stereotype na pag sa Maharlika, hindi ligtas doon. Na pag Muslim ka, terrorista ka at babarilin ka. In God's will, sana magbago ang pananaw ng mga tao and lawakan ang kaalaman nila pagdating samin.

I understand that there are people who experience bad things with other Muslims. Your feelings are valid. I would feel the same way kung kapwa ko Muslim ay may ginawang masama saakin o samin. But please, let's not generalize everyone. There are good Muslims out there too.

Thank you.

Posted Jul 23, 2026, 10:08 AM UTC · locked

44
Loading comments…