My mom never support me
Nag call kami ng mom ko kanina and I told her I wanted to study another language para mas mabilis makahanap ng work abroad. Then she told me na mag take na lang daw ako ng civil service. Ever since college ayun na yung gusto nila na ipakuha sakin. I already tried it twice at hindi ko ipinasa both. Not because I can't pass the exam pero dahil alam ko na pipilitin nila ako mag work sa government which ayoko.
Gusto ko mag work abroad. Ayoko na mag stay sa Ph. Kung may mag offer lang sa akin ng work sa abroad ngayon tatanggapin ko yun agad.
Ever since naka kuha ako ng job sa Manila, alam ko na ayaw niya talaga. Mas gusto niya na sa province lang. Ayoko kasi dun eh. Pakiramdam ko hindi ako para dun. Pakiramdam ko na mas kaya ko pa lumayo at mas mangarap. Yung hindi ko kailangan mag settle sa toxic environment sa government offices at mag settle sa bare minimums.
Mag 2 years na ako sa Manila and before ako umalis sabi niya na mahirap daw yung buhay dito at mahal lahat ng bagay, which I agree naman. Pero wala akong pinagsisihan kasi pano ako matututo sa buhay kung forever lang ako sa comfort zone? Ayoko tumanda at mamatay na nasa province lang. Ayoko isipin na pag tanda ko marerealize ko na buong buhay ko andun lang ako. Ayoko mabuhay sa regrets at sa what if's. Marami pa akong gusto gawin at marating.
Posted Jul 23, 2026, 10:20 AM UTC