Gigil ako sa mga hotels na ganto

I've encountered this many times with hotels. Usually, they have a published/regular rate and a promo rate. Kapag promo rate ang in-avail mo, hindi na sila nagbibigay ng PWD discount dahil promo na raw 'yon. If gusto mong gamitin ang PWD discount, ia-apply nila ito sa regular rate. Naiintindihan ko naman na policy nila 'yon.

May upcoming surgery ako, kaya talagang nagtitipid kami. Malayo pa kami sa city, so kailangan naming mag-check in sa hotel a day or days before my admission.

Nag-inquire ako sa isang hotel, at ito ang rates nila:

  • Published rate: ₱2,000
  • Promo rate: ₱1,600

Since sanay na akong mag-avail ng PWD discount sa iba't ibang hotels, tinanong ko kung magkano ang babayaran ko if gagamitin ko ang PWD discount. Ang sabi nila, ₱1,600 na raw ang total at included na ang PWD discount.

Pero sa pagkakaalam ko, ganito ang computation:

  • Remove the 12% VAT: ₱2,000 ÷ 1.12 = ₱1,785.71
  • Apply the 20% PWD discount: ₱1,785.71 × 80% = ₱1,428.57

So ang expected total ko ay ₱1,428.57, hindi ₱1,600. Ibig sabihin, makakatipid pa sana ako ng ₱171.43. Hindi man kalakihan, pero malaking tulong na rin lalo na't may surgery ako.

Tama ba ang computation ko, or may mali akong understanding sa PWD discount? Kasi kung ₱1,600 pa rin ang babayaran ko at 'yon din ang binabayaran ng ibang customers na naka-promo rate, parang wala rin akong natanggap na PWD discount.

Gusto ko lang malinawan kung tama ba ang pagkakaintindi ko at ng computation ko.

Posted Jul 26, 2026, 4:20 AM UTC

13
Loading comments…