Sobrang lakas na bleeding
Ilang months na akong may menstruation and nagsimula 'to ng moderate lang 'yung flow.Nung una ni-resitahan ako ng tranexamic acid ng first doctor. So ininom ko siya within a week. Hindi pa rin nabawasan. Then sa second doctor sinabi ko na hindi naging effective 'yung pinagawa sa akin nung unang doctor. After no'n ni-resitahan ako ng second doctor ng pills. Diane 35. Effective siya on my first one week. Then after no'n unti-unti bumalik 'yung bleeding ko. Tapos ngayon sobrang lakas na niya. Nararamdaman kong para akong gripo. At naka menstrual diaper na ako ngayon. Tomorrow pa kasi available yung doctor ko sa clinic. And sabi niya for raspa na ako pag hindi umepekto yung pills. Kaso 3:00 p.m. pa lang as of now. Feeling ko mauubusan ako ng maraming dugo. May first aid ba para mabawasan ng konti yung bleeding?
Posted Jul 27, 2026, 7:02 AM UTC