One thing I didn't expect to improve because of remote work was my communication

Community

Noong una ang iniisip ko lang was getting the work done but eventually narealize ko na ang dami palang nakasalalay sa isang message lang.

Halos buong shift ko puro chat, emails, trackers, task updates, at comments. Dati, okay na sakin basta naiintindihan ako. Ngayon, automatic ko nang chinecheck kung complete ba yung context, malinaw ba yung instructions, at kung may possibility bang mamisinterpret ng makakabasa.

Sa remote work kasi, wala naman lagi kayong call. Minsan, isang message lang ang pagbabasehan ng teammate mo para gawin yung task. Kapag kulang yung details o medyo vague yung sinabi mo, possible na magkaroon ng back-and-forth o kailangan pang ulitin yung trabaho.

Kaya isa rin sa mga na-appreciate ko sa current remote team ko is encouraged talaga na mag-clarify kapag may hindi ka sure. Walang masama sa pagtatanong, kasi mas okay nang malinaw from the start kaysa mag-assume tapos mali pala yung direction.

Hindi ko in-expect na isa sa pinakamalaking skills na made-develop ko sa remote work wasn't a tool or software

It was learning how to communicate clearly.

Posted Jul 29, 2026, 6:44 AM UTC

252
Loading comments…